May sumikat sa Social Media kung saan maaaring ipahayag ang mga ideya at iyong opinyon sa ibang tao. Tinawag nila itong Twitter. Gayon pa man, ang kapaki-pakinabang na teknolohiyang ito ay naging daan upang magamit sa pag-aaway ng ibang mga tao. Ipinapahayag kasi ng mga tao ang kanilang mga hindi gusto sa ugali at ginagawa ng iba. Maaari mong magamit ng anumang oras ang Twitter at piliin kung sino ang mga taong pinag- uuusap sa araw na iyon. Matapos mong i-click ang pangalan ng tao ay milyon-milyung mga sinabi ng mga tao ang mababasa mo.
Makikita natin dito na malaya ang sinuman na magsabi ng masasakit na salita sa iba sa kanilang mga pinaniniwalaan at maging sa isinusuot nila. Maaaring walang pagmamalasakit o pagmamahal sa ipinapakita ng mga taong ito. Pero hindi nararapat na ganito ang ginagawa ng mga sumasampalataya kay Jesus. Kaya naman, sa mga panahon na haharap tayo sa mga hidwaan o hindi pagkakasundo, kumilos tayo bilang isang mananampalataya.
“Dapat kayong maging mapagmalasakit, maganda ang kalooban, mapagpakumbaba, mabait at mapagtiis” (Colosas 3:12). Sa halip, “Magpasensiyahan kayo sa isaʼt isa at magpatawaran kayo kung may hinanakit kayo kaninuman, dahil pinatawad din kayo ng Panginoon” (Tal. 13).
Ang ganitong klaseng pakikitungo ay hindi lamang para sa mga taong kasundo natin. Kundi, maging sa mga taong mahirap pakisamahan. Magpakita tayo ng kagandahang-loob at pag-ibig sa mga taong hindi natin gusto ang pag-uugali.