Noong 1952, madalas na nakakabasag o nakakasira ang mga mamimili pero hindi naman nila ito binabayaran. Kaya naman, may isang babala ang inilagay noon sa isang tindahan sa Miami Beach. Nakasulat doon na kapag nabasag mo ay kailangan mo itong bilhin. Makikita na rin ngayon ang mga salitang ito sa iba’t ibang tindahan.
Iba naman ang nakasabit na babala sa tindahan ng mga palayok. Nakasulat doon na kapag nabasag mo ay gagawa tayong muli ng mas maganda pa mula sa nabasag na palayok. Ito rin mismo ang nais iparating sa Jeremias 18 na isinulat ni Propeta Jeremias para sa mga Israelita noon.
Binisita noon ni Jeremias ang isang magpapalayok. Nakita niya kung paano hinuhugis muli ng magpapalayok ang isang basag na palayok hanggang sa makagawa ng isang bago at magandang bagay (Tal. 4). Ipinapaalala sa atin ni Propeta Jeremias na parang tulad ng isang magpapalayok ang Dios at tayo naman ay mga putik. Ang Makapangyarihang Dios ay kayang lumikha mula sa pangit na bagay hanggang sa maging maganda ito.
Kayang-kaya rin ng Dios na baguhin ang mga sira nating buhay dahil sa kasalanan. Gagamitin din ng Dios ang ating naranasang kabiguan, kamalian at mga wasak na puso upang mabago tayo ayon sa Kanyang nais. Bubuuin Niya tayong muli nang sa gayon magkaroon tayo ng magagandang katangian ng tulad sa Kanya na parang isang bago at magandang palayok. Alam ng Dios ang halaga ng bawat isa sa atin. Kaya naman, sa kamay ng Dios magagawa Niya na muling pagandahin ang sira nating buhay at magamit ito para sa Kanyang kaluwalhatian (Tal. 4).