Pirouette. Tawag ito sa sunod-sunod na pag-ikot ng mga balerina at iba pang mananayaw. Noong bata pa ako, gustung-gusto ko itong ginagawa. Paikot-ikot hanggang sa mahilo. Ngayong tumanda na ako, natutunan ko ang isang paraan para gawin ito nang tama. Kailangan ko lang ituon ang paningin ko sa isang lugar, para kapag umikot alam ko kung naka-isang ikot na ako. Isang lugar lang ang kailangan ko para maging maayos ang pagtatapos ng pirouette ko.
Maging sa buhay natin marami tayong paikot-ikot at paliku- likong mga pinagdaanan. Kung itutuon naman natin ang ating pansin sa mga bagay na ito, maaaring mahilo at mahulog pa tayo. Ngunit ayon sa Biblia, kung pananatilihin nating matapat, at nakatuon ang ating isipan sa Dios, pagkakalooban Niya tayo ng “lubos na kapayapaan” (Isaias 26:3).
Ang ibig sabihin ng pagkakaroon ng lubos na kapayapaan ay kahit na anong mangyari sa ating buhay, mananatili tayong mahinahon. Dahil tiniyak ng Dios na sasamahan Niya tayo sa lahat anumang problema at pagsubok na ating haharapin. Siya ang “ating Bato na kanlungan magpakailanman” (Tal. 4). Dito ang “lugar” na dapat nating ituon ang ating mga paningin, dahil hindi kailanman nagbago ang pangako ng Dios sa atin.
Mangyari nawa na patuloy nating ituon ang ating paningin sa Dios araw-araw. Sa pamamagitan ng patuloy na pananalangin at pag-aaral ng Kanyang mga ipinangako na nasa Biblia. Patuloy din tayong magtiwala sa Dios, ang ating Batong makakapitan sa oras ng ating pangangailangan.