Noong panahon ng COVID, lumahok ang libu-libong tao mula sa iba’t-ibang bansa tulad ng India, Amerika, South Africa, Europa, at marami pang iba upang makiisa sa pagsasayaw ng Zumba. Hindi kailangang magsalita ng mga taong ito kundi tutularan lang nila ang mga namumuno sa Zumba sa bawat galaw habang may saliw ng musika. Sumunod ang lahat nang walang salitang binibitawan o isinisigaw.
Minsan, nagiging hadlang pa nga ang mga salita na ating sinasabi sa iba para hindi tayo magkaunawaan. Minsan pa, nagiging sanhi ito ng kalituhan. Tulad na lang nang nangyari sa unang sulat ni Apostol Pablo sa mga taga-Corinto. Nalito sila dahil sa magkaibang pananaw patungkol sa pagkaing inihain (1 Corinto 10:27-30).
Maaari namang malampasan ang mga hadlang at kalituhang ito. Kailangan lang ipakita ng mga nagtitiwala kay Jesus na sila ay tapat na sumusunod sa Panginoon. Ang pagsunod na ito ay makikita sa aking mga ikinikilos habang “sinisikap mabigyang kasiyahan ang lahat ng tao” (10:32-33 MBB), tulad ng sinabi ni Pablo. Hinihikayat natin ang mga tao na magtiwala sa kay Jesus habang tinutularan ang mga ginawa ni Cristo (11:1).
Gayon pa man, alalahanin natin ang sinabi noon ng isang dalubhasa sa Biblia. Sinabi niya, “Ipahayag ang Magandang Balita sa lahat ng oras. Magsalita kung kinakailangan.” Habang sumusunod sa paggabay ni Jesus sa ating buhay, idalangin natin na patnubayan Niya tayo nang sa gayon tumatag ang ating pananampalataya sa Dios. At maluwalhati nawa ang ating Dios sa ating mga sinasabi at ginagawa (10:31).