Minsan, nabubuhay tayo sa isang mundo na laging kinakailangang magdesisyon. Noong 2004, isinulat ng psychologist na si Barry Schwartz ang The Paradox of Choice, kung saan sinabi niya na bagaman importante ang kalayaan sa pagpili, ang sobrang dami ng pagpipilian ay puwedeng makabigat sa atin at magkaroon tayo ng pag-aalinlangan. Mas mahirap magdesisyon kung malaki ang magiging epekto nito sa buhay natin.
Paano natin malalampasan ang pag-aalinlangan at maging sigurado tayong mamuhay ayon sa kalooban ni Cristo?
Bilang mga nagtitiwala naman kay Cristo, nakakatulong ang paghanap sa karunungan ng Dios. Kapag nagpapasya tayo ng kahit ano sa buhay natin, malaki man o malaki, itinuturo ng Kasulatan na “Magtiwala ka nang buong puso sa Panginoon at huwag kang manalig sa iyong sariling karunungan” (Kawikaan 3:5). Kapag nakaasa tayo sa sarili nating pagpapasya, puwede tayong malito at mag-alala na baka mali ang pinili natin. Pero kapag humingi tayo sa Dios ng mga sagot, “ituturo niya sa [atin] ang tamang landas” (Tal. 6). Bibigyan Niya tayo ng kaliwanagan at kapayapaan habang nagpapasya tayo sa araw-araw nating mga buhay.
Ayaw ng Dios na mahirapan tayo dahil sa ating mga desisyon. Makakahanap tayo ng kapayapaan sa karunungan Niya kapag dinala natin sa Kanya ang ating mga inaalala, sa pamamagitan ng panalangin.