Ikinuwento sa akin ng nanay ko kung paanong nagpasya siyang hindi na mag-aral ng kolehiyo para magpakasal sa tatay ko nung 1960s, pero hindi nawawala sa kanya ang pangarap niyang maging guro sa home economics. Pagkatapos magkaroon ng tatlong anak, kahit wala siyang diploma sa kolehiyo, naging nutrionist aide siya para sa health system ng Louisiana. Nagluluto siya ng mga masusustansyang pagkain—parang guro sa home economics.
Habang ibinabahagi niya ang pangarap niya sa akin matapos alalahanin ang mga nangyari sa buhay niya, ipinahayag niya na dininig talaga ng Dios ang mga dasal niya at ibinigay ang kagustuhan ng puso niya.
Puwedeng ganyan ang buhay para sa atin. Magkaiba ang plano natin at ang daan ng katotohanan. Pero sa Dios, ang panahon natin at buhay puwedeng maging magagandang pagpapakita ng Kanyang awa, pag-ibig, at panunumbalik. Sinabi ng Dios sa mga taga-Juda (Joel 2:21) na “ibabalik” niya ang nawalang panahon—dahil sa “pulutong ng mga balang” (Tal. 25). Patuloy Siyang tumutulong sa atin sa mga hinaharap nating hamon at hindi natupad na mga pangarap. Naglilingkod tayo sa Dios na Tagapagligtas na nagpaparangal sa ating mga sakripisyo para sa Kanya (Mateo 19:29).
Humaharap ka man sa mapanirang hamon o isang panahon ng mga pangarap na ’di natupad, nawa ay tumawag tayo sa Dios at bigyan Siya ng papuri.