Habang nag-scuba diving noong 2021, nakatutok ang mga mata ni Jennifer sa isang maliit at berdeng bote sa ilalim ng ilog. Sinalok niya iyon. Nakita niyang may laman iyong mensahe ng isang binata sa ika-18 nitong kaarawan noong 1926! Hiniling doon na kung sinuman ang makadiskubre ng bote ay ibalik ito sa nagsulat.
Ginamit ni Jennifer ang Facebook para hanapin ang kapamilya ng lalaki. Kahit namatay na ito noong 1995, ang dating natatagong sulat ay nagdala ng galak kay Jennifer at sa pamilya ng lalaki.
Sa Aklat naman 2 Hari 22:8, nabasa natin na ang punong paring si Hilkia ay may kakaiba ring nadiskubre noong nakita niya ang Aklat ng Kautusan sa templo ng Panginoon. Nakita niya na aklat iyon ng Deuteronomio. “Nang marinig ng hari ang nakasulat sa Aklat ng Kautusan,” pinunit niya ang kanyang damit at nalungkot siya (Tal. 11). Gaya ng templo sa Juda, naisantabi na ng mga tao ang Dios at ang pagbabasa at pagsunod sa Kasulatan na hiningahan Niya. Bilang pagsisisi, inalis sa templo ang lahat ng dios-diosan at mga bagay na di-nakakalugod sa Dios, bilang reporma ng hari sa bayan niya (23:1-4).
Ngayon, ang Biblia natin ay may 66 na aklat na naghahayag ng karunungan at kautusan ng Dios—kasali ang Deuteronomio. Habang binabasa at pinakikinggan natin ang mga ito, nawa ay baguhin ng Banal na Espiritu ang mga isip natin at ayusin ang mga gawi natin. Saliksikin mo ang Kasulatan ngayon at maghanap ka ng karunungan para sa buong buhay mo!