Isang lalaking nagngangalang James ang naglakbay mula West Coast ng Amerika—nagbisikleta siya mula Seattle, Washington, hanggang San Diego, California. Nakilala siya ng isang kaibigan ko malapit sa talampas sa Big Sur, halos 930 milya mula sa pinanggalingan niya. Matapos malamang nanakawan si James ng gamit sa pagka-camping, nag-alok ang kaibigan ko ng kumot at pangginaw, pero tumanggi si James. Sinabi niya na dahil papunta siya sa mas mainit na lugar, kailangan niyang magbawas ng gamit. At habang lumalapit sa destinasyon, mas napapagod siya kaya kailangang mas magaan ang dala niya.
Matalino ang naisip na iyon ni James. Sinasalamin niyon ang sinasabi ng nagsulat ng Hebreo. Habang nagpapatuloy tayo sa ating biyahe sa buhay, kailangan nating “alisin ang anumang hadlang sa pagtakbo natin” (12:1). Kailangan natin maglakbay nang magaan para makapagpatuloy.
Bilang mga nagtitiwala kay Jesus, kailangan natin ng “tiyaga” (Tal. 1). At isa sa mga paraan para masigurong makakapag-patuloy tayo ay ang mawala sa atin ang bigat ng hindi pagpapatawad, kakitiran ng isip, at iba pang kasalanan na humahadlang sa atin.
Kung walang tulong mula kay Jesus, hindi tayo makakapaglakbay nang magaan, o makakatakbo nang maayos sa karera. Tumingin tayo sa ating “sandigan ng pananampalataya” para hindi tayo “panghinaan ng loob” (Tal. 2-3).