Habang nagluluto, napansin ng asawang lalaki ang ginagawa ng kanyang asawa. Kaya tinanong niya ito kung bakit kailangan pa niyang hatiin ang karne bago ilagay sa malaking kaldero. Sagot naman ng babae, “Ganito kasi ang ginagawa ni nanay.”

Dahil sa tanong na iyon, inalam ng babae sa kanyang ina ang tungkol sa tradisyon ng paghahati ng karne. Ngunit nagulat siya. Ginagawa lang pala ito ng kanyang ina sapagkat maliit lang ang kaldero nila noon. Kaya naman, hindi na niya kailangang hatiin ngayon ang karne dahil marami naman siyang maIalaking kaldero.

Maraming tradisyon ang nagsimula dahil sa isang panga- ngailangan at ipinagpatuloy nang hindi na tinatanong ang pinagmulan. Dahil ito na ang nakasanayan, mahirap na sa atin ang hindi gawin ito—tulad na lamang ng mga Pariseo noon (ᴍᴀʀᴄᴏꜱ 7:1-5). Nabagabag sila sa nakita nilang paglabag sa tradisyon. Ganito naman ang sinabi sa kanila ni Jesus, “Sinusuway ninyo ang utos ng Dios, at ang sinusunod ay mga tradisyon ng tao” (ᴛᴀʟ. 8). Ipinahayag pa Niya na hindi dapat mauna ang tradisyon kaysa sa karunungang nasa Biblia. Ang totoong pagsunod sa Dios (ᴛᴀʟ. 6-7) ay dapat nakatuon sa kabutihan ng puso at hindi pakitang-tao lang.

Maganda pa ring ipagpatuloy natin ang mga nakasanayang tradisyon. Ngunit mas mahalaga kaysa rito ang mga bagay na sinabi ng Dios na tunay nating kailangan.