Nais ng mga mananaliksik sa Fujian, China na tulungan ang mga pasyenteng nasa intensive care unit (ICU) upang makatulog nang mas maayos. Para maaral ito, ginaya nila ang isang ICU. Pagkatapos, ipinasubok nila sa ilang tao ang mga sleep masks at ear plugs. Nakatulong naman ang mga ito. Pero inamin nilang para sa totoong may sakit na mga pasyente sa isang tunay na ICU, mahirap makamit ang mapayapang pagtulog.
Kapag puno ng kaguluhan ang ating mundo, paano tayo makahahanap ng pahinga? Malinaw ang sinasabi ng Biblia: may kapayapaan para sa mga nagtitiwala sa Dios, kahit ano pa man ang kanilang kalagayan. Isinulat ni Propeta Isaias ang tungkol sa mangyayari sa hinaharap: manunumbalik ang mga sinaunang Israelita pagkatapos ng mga pagsubok. Mabubuhay rin sila nang payapa sa kanilang lungsod dahil alam nilang ginawa itong ligtas ng Dios (ɪꜱᴀɪᴀꜱ 26:1). At magtitiwala silang kumikilos ang Dios sa paligid nila upang magdala ng kabutihan—”ibinabagsak niya ang mga mapagmataas,” tutulungan Niya ang mga inaapi, at magdadala Siya ng katarungan (ᴛᴀʟ. 5–6). Alam nilang ang Panginoon ang “Bato na kanlungan,” at maaari silang umasa sa Kanya magpakailanman (ᴛᴀʟ. 4).
Isinulat pa ni Isaias, “Panginoon, bigyan nʼyo nang lubos na kapayapaan ang taong kayo lagi ang iniisip dahil nagtitiwala siya sa inyo” (ᴛᴀʟ. 3). Kahit sa panahon natin ngayon, maaaring tayong bigyan ng Dios ng kapayapaan at pahinga. At maaari tayong magpahinga sa katiyakan ng Kanyang pag-ibig at kapangyarihan, anuman ang nangyayari sa paligid natin.