Napasigaw ako habang nagmamaneho dahil biglang lumitaw sa harap ko ang isang trak. May nakasulat na “Kumusta ang pagmamaneho ko?” at isang numero ng telepono sa likod. Tinawagan ko ang numero at nagreklamo. Sumagot ang isang babae. Kinuha niya ang numero ng plaka ng trak at pagod na sinabi, “Alam mo, puwede ring itawag ang maayos na pagmamaneho.”

Natauhan ako at nahiya sa ginawa ko Mayabang at para bang ako lang ang tama. Sa kagustuhan kong magkaroon ng hustisya, hindi ko naisip ang epekto ng galit ko sa babaeng ito, na mahirap ang trabahong ginagawa. Hindi naging tugma ang asal ko at pananampalataya ko sa Dios. Nalungkot ako sa ginawa ko.

Sa Biblia, tinukoy iyan ni Santiago. “Tandaan n’yo ito, mga minamahal kong kapatid: ‘Maging handa kayo sa pakikinig, dahan-dahan sa pananalita, at huwag agad magagalit. Sapagkat ang galit ay hindi nakakatulong sa tao para maging matuwid sa paningin ng Dios’” (SANTIAGO 1:19-20). Dagdag pa niya, “Huwag lang kayong maging tagapakinig ng salita ng Dios kundi sundin nʼyo ang sinasabi nito” (TAL. 22). Lahat tayo ay nagkakamali. Minsan kailangan ng tulong ang “pagmamaneho” natin sa buhay. Tulong na nagsisimula sa pag-amin ng pagkakamali at paghingi ng tulong sa Dios. Magtiwala tayong patuloy Siyang kumikilos upang baguhin ang asal natin.