Noong nasa kolehiyo ako, isang kaklase ko ang biglaang pumanaw. Hindi namin inaasahan ang pagpanaw niya dahil ilang araw bago mangyari ito, nasa maayos naman siyang kalagayan. Batang-bata pa kami noon at nagsisimula pa lamang buuin ang aming mga pangarap. Kakasali pa lang din namin noon sa isang samahan kung saan kapatid ang turing sa bawat isa.

Pero ang hindi ko makakalimutang alaala sa pagpanaw ng aking kaklase ay kung paano ginawa ng aking mga kasamahan ang sinabi ni Apostol Santiago na “dalisay na relihiyon at walang dungis” (SANTIAGO 1:27 ABAB). Itinuring na parang kapamilya ng aking mga kasamahan ang kapatid ng pumanaw naming kaklase. Dumalo sila sa kasal nito at binigyan pa ng cellphone para matawagan sila kaagad kapag may kailangan ito.

Ayon kay Santiago, “ang dalisay na relihiyon at walang dungis sa harapan ng ating Dios at Ama ay ito: ang dalawin ang mga ulila at ang mga balo sa kanilang kahirapan” (2:14-17 ABAB). Bilang mga nagtitiwala kay Jesus, nararapat nating sundin ang sinasabi ng Salita ng Dios (TAL. 22). Kabilang dito ang pagmamalasakit sa mga nangangailangan (2:14-17). Ang pananampalataya natin kay Jesus ang nag-uudyok sa atin na tumulong sa iba. Malulugod natin ang Dios kapag ginawa natin ito.