
Mga Suliranin
Nasa bahay na kami nang mapansin kong napakainit na pala ng temperatura ng aming kotse. Lumabas ang usok mula rito nang patayin ko ang makina. Tila maaari ka nang magluto sa sobrang init ng makina. Nang maitaas ko ang kotse, nakita ko na naipon ang langis sa ilalim. Napagtanto ko agad ang nangyari, nasira ang lagayan ng langis.
Napadaing ako…

Maging Maingat
Hindi ko na maalala lahat ng itinuro sa akin ng tagapagturo ko sa pagmamaneho. Pero may limang salitang talagang tumatak sa isip ko: suriin, kilalanin, isipin, madesisyon, at isagawa. Dapat laging suriin nang mabuti ang daan, kilalanin ang mga panganib, isipin kung ano ang maaring idulot ng panganib, magdesisyon kung paano tutugon, at kung kinakailangan, isagawa ang nabuong plano. Isa itong paraan para…

Awit Ng Papuri
Isang umaga, may narinig akong kumakanta ng papuri sa Dios. Nakita ko na ang bunso kong anak ang kumakanta kahit kagigising pa lamang niya. Mahilig kasi siyang umawit. Saan man siya pumunta o ano man ang ginagawa niya ay kumakanta siya. Ang mga awit na madalas niyang kinakanta ay mga papuri sa Dios. Kahit nasaan man siya ay pinupuri niya…

Yumayabong Na Puno
Mahilig akong mangolekta. Noong bata ako, mayroon akong koleksyon ng mga selyo, baseball card at komiks. Ngayon naman na isa na akong magulang, nakikita ko rin ang pagkahilig na ito sa aking mga anak. Minsan naiisip ko, kailangan ba talaga nila ng panibagong teddy bear?
Ang pangongolekta ay hindi tungkol sa pagtugon sa kailangan natin. Tinutugon nito ang pagnanais natin ng…

Pagtahak Sa Buhay
Minsan, sinubukan namin ng mga kaibigan ko ang whitewater rafting. Isa itong aktibidad kung saan sasakay kami sa isang bangka at tatahakin ang mabato at rumaragasang ilog habang nagsasagwan. Bagamat wala kaming masyadong karanasan, naging maayos at ligtas ang pagtahak namin sa ilog sa tulong ng aming guide o tagagabay. Sa pagkakataong iyon, natutunan namin ang kahalagahan ng pakikinig nang mabuti…