Ang Aming Mga Manunulat

Tingnan lahat

Mga artikel na isinulat ni Adam R. Holz

Laging Kasama

Minsan, pumunta sa isang espiritista ang isang lalaki kasama ang kanyang binatilyong anak na paalis sa kanilang lugar. Binigyan ng espiritista ng antinganting ang lalaki at sinabi, “Ito ang mag-iingat sa anak mo saan man siya magpunta.”

Ako ang binatilyong iyon. Hindi kailanman nakatulong sa akin ang anting-anting na iyon. At habang naninirahan ako sa malaking lungsod, sumampalataya ako kay Jesus.…

Laging Kasama

May natutunan akong aral tungkol sa pagmamahal ng isang ama sa kanyang anak nang minsang magpunta kami ng anak ko sa isang dentista. Kailangan na noong bunutin ang isang ngipin ng aking anak na humaharang sa patubo na niyang permanenteng ngipin.

Umiiyak na nagmakaawa sa akin ang aking anak na kung maaari sana ay huwag muna itong bunutin at baka may…

Koronang Tinik

Nagdugo ang hintuturo ko nang matusok sa tinik ng halaman. Nagsisigaw ako at dumaing sa sobrang sakit. Hindi naman ako dapat magtaka na nangyari ito dahil hindi ko naisuot ang aking guwantes noong tatabasin ko ang halaman sa aming hardin.

Habang naghahanap ako ng pang benda para sa aking daliri na natinik, naisip ko bigla ang ating Tagapagligtas. Pilit isinuot ng…

Awit ng Ama

Noong mga bata pa ang mga anak ko, nahirapan sila sa pagtulog. Tuwing gabi, salitan kami ng asawa ko sa paghehele sa kanila. Ilang oras ko silang pinaghehele para makatulog sila agad. Kinantahan ko na rin sila. Napakaganda ng naidulot ng pagkanta ko sa kanila dahil hindi lang ito nakapagpatulog sa kanila, naging paraan din ito para mas mapalapit sa akin…

Sumunod sa Dios

Namasyal kami noon ng aking pamilya. Habang naglalakad kami, tinapik ko sa balikat ang anak kong lalaki at sinabi sa kanya na sundan niya lang ang direksiyon na pinupuntahan ng kanyang ina at mga kapatid na nasa unahan niya. Paulit-ulit ko siyang tinatapik dahil madalas siyang lumilihis ng daan. Nagtataka ako kung bakit hindi na lang siya sumunod sa nanay at…

Kumpleto Na

Masaya sa pakiramdam kapag natatapos ko na ang mga dapat kong gawin sa aking trabaho. Bawat buwan ay may responsibilidad akong dapat tapusin at ang pinakagusto kong bahagi sa pagtatrabaho ay kapag natapos ko na itong gawin. Naisip ko tuloy na sana ganito rin kadaling matapos ang mga pagsubok na pinagdadaanan ko. Tila hindi natatapos ang mga problemang hinaharap ko bilang…

Masayang Ngiti

Ang isang bagay na madalas kong ginagawa pero hindi ako masayang gawin ay ang mamalengke. Gayon pa man, kailangan gawin dahil parte na ito ng buhay natin.

Pero may kinaaaliwan ako sa tuwing namamalengke na gusto kong makita. Iyon ay ang makita si Fred na nagtatrabaho sa pamilihan. Lagi siyang nakangiti at masayang bumabati sa mga tao. Mabilis niyang ring isinasaayos…

Matibay na Sandalan

Madalas ka bang mag-alala? Ganon ang aking palaging nararamdaman. Araw-araw kong nilalabanan ang matinding pag-aalala ko sa maraming bagay. Marami akong mga bagay na inaalala, maliliit man o malalaki ang mga ito. Noong bata pa ako ay tumawag pa ako sa mga pulis dahil sa matinding pag-aalala nang hindi agad nakauwi ang aking mga magulang sa takdang oras.

Paulit-ulit na ipinapaalala…

Kaibig-ibig

Kaibig-ibig! Iyan ang nabanggit ng aking anak sa kanyang paggising isang umaga. Hindi ko naunawaan ang gusto niyang sabihin. Kaya agad niyang itinuro ang damit na kanyang suot. Nakasulat sa harapan nito ang salitang kaibig-ibig. Binigyan ko siya ng isang mahigpit na yakap. Ngumiti ang aking anak at sinabi ko sa kanya na, "Kaibig-ibig ka!" Nagdulot ito ng malaking ngiti sa…