Ang Aming Mga Manunulat

Tingnan lahat

Mga artikel na isinulat ni Alyson Kieda

WALANG KAPANTAY NA RESULTA

Sa loob ng tatlong taon, araw-araw nagsusuot ng iba’t ibang costume at maskara si Colleen sa pagsalubong sa mga anak na bumababa ng school bus. Natutuwa ang lahat ng nasa bus, pati drayber: “Napapasaya niya ang mga pasahero ko. Ang galing!” Sang-ayon diyan ang mga anak ni Colleen.

Nagsimula ito noong kumupkop ng mga bata si Colleen bilang isang foster parent.…

SA HARDIN

Mahilig mag-camping ang tatay ko. Gusto rin niyang mangisda at mangolekta ng iba’t ibang uri ng bato. Gustung-gusto rin niyang magtrabaho sa kanyang bakuran at hardin. Gumugugol siya ng oras sa paghuhukay, pagtatanim ng buto, pagbubunot ng damo, at pagdidilig ng halaman. Pero sulit naman ang mga resulta—magandang bakuran, masasarap na kamatis, at magagandang rosas. Taon-taon, pinuputol niya ang mga rosas.…

PAGPAPALA SA KAPWA

Ilang buwan matapos makunan si Valerie, nagdesisyon siyang ibenta ang mga gamit na para sana sa sanggol niya. Binili naman ng kapitbahay niyang si Gerald ang crib. Pero nang malaman ni Gerald mula sa asawa niya ang kuwento ni Valerie, naisip niyang gawing regalo para kay Valerie ang nabiling crib. Dahil karpintero si Gerald, gumawa siya ng magandang bangko mula…

PAGHARAP SA KABIGUAN

Nag-ipon buong taon ang mga mag-aaral sa ikahuling baitang ng isang hayskul sa Oklahoma sa Amerika para sa isang “hindi malilimutang pamamasyal.” Kaya lang, nalaman nila pagdating sa paliparan na marami pala sa kanila ang nakabili ng tiket mula sa isang pekeng kumpanya. “Nakakadurog ng puso,” sabi ng isang pinuno ng paaralan. Pero kahit kinailangan nilang magbago ng plano, pinili…

MAHALAGA ANG PAGPILI

Nakita ng isang nagtuturo ng paglangoy ang isang kotseng lumulubog sa Newark Bay sa Amerika. Nasa loob pa ang tsuper at sumisigaw, “Hindi ako marunong lumangoy.” Pinanood ng maraming tao ang pangyayari mula sa pampang. Pero pinili ni Anthony na tanggalin ang kanyang prosthetic leg o artipisyal na paa at tumalon sa tubig para iligtas ang matandang lalaki. Salamat sa mabilis…