Ang Aming Mga Manunulat

Tingnan lahat

Mga artikel na isinulat ni Amy Boucher Pye

Pagmamahal Sa Kapwa

Sa panahon ng pag-iisa at paghihigpit dahil sa pandemya ng coronavirus, naging makatotohanan ang salita ni Martin Luther King Jr. sa “Sulat Mula sa Kulungan sa Birmingham.“ Tungkol sa kawalan ng hustisya, sinulat niyang ‘di niya kayang umupo sa isang lungsod na walang pakialam sa nangyayari sa ibang lungsod. “Hindi natin matatakasang sanga-sanga ang mga buhay natin” at “pinagtagni-tagni ang…

Tunay Na Pagbabago

Magulo ang pamilyang kinalakihan ni Claud sa London. Noong labinglimang taong gulang siya, nagbebenta na siya ng marijuana, at heroin noong dalawangpu’t-lima. Naging gabay (mentor) siya sa mga kabataan para pagtakpan ito. Hindi nagtagal napukaw ng manager nila (na tagasunod ni Jesus) ang atensyon niya. Lumahok si Claud sa isang pag-aaral tungkol sa pananampalatayang Cristiano. Pagkatapos, tinanggap niya si Jesus sa buhay…

Si Cristong Nananahan

Ginamit ng mangangaral na Ingles na si F. B. Meyer (1847-1929) ang isang itlog para ilarawan ang malalalim na katuruan tungkol sa pananahan ni Cristo sa atin. Sinabi niya na isang maliit na life germ (pinagmulan ng buhay) ang pula ng itlog (fertilized yolk) na lumalaki araw-araw hanggang mabuo ang sisiw sa loob ng itlog. Ganoon din si Jesu-Cristo na…

Ang Kapangyarihan Ng Pangalan

Para palakasin ang loob ng mga batang nakatira sa mga kalye sa Mumbai, India, gumawa si Ranjit ng isang kanta ng mga pangalan nila. Nag-isip siya ng magandang himig para sa bawat pangalan at itinuro iyon, umaasang magkakaroon ng positibong alaala ang mga bata kaugnay ng itinatawag sa kanila. Nagbigay siya ng regalo ng respeto para sa mga batang hindi…

Kung Saan Ako Kabilang

Sa pagtatapos ng Paskuwa, isang tradisyon ng mga Judio kung saan pinagdiriwang at inaalala ang kadakilaan ng pagliligtas ng Dios, nakapaikot na nagsasayawan ang mga miyembro ng simbahan. Nasa likod si Barry, nakangiti habang nanonood. Gustung-gusto niya ang mga ganoong okasyon. Sabi pa niya, “Ito na ang pamilya ko ngayon. Nahanap ko na kung saan ako magmamahal at mamahalin... kung…