Ang Aming Mga Manunulat

Tingnan lahat

Mga artikel na isinulat ni Amy Boucher Pye

Iniligtas ng Dios

Noong 15 taong gulang si Aaron, nananalangin siya kay Satanas. Nagsimula siyang matutong magsinungaling, magnakaw at manipulahin ang kanyang pamilya at mga kaibigan. Binabangungot din siya noon. Sinabi ni Aaron, “Paggising ko isang umaga, nakita ko si Satanas at sinabi sa akin na papasa ako sa aking exam sa eskuwelahan at pagkatapos, mamamatay ako.” Hindi naman siya namatay kaya napag-isip-isip niya,…

Sa Madilim na Libis

Nabilanggo noon si Hae Woo sa isang labor camp sa North Korea dahil tinangka niyang tumakas at tumawid sa hangganan ng China. Napakahirap ng dinanas niya sa lugar na iyon. Malupit ang mga guwardiya at pinagtrabaho siya nang mabigat. Natutulog din siya sa napakalamig na sahig. Sa kabila ng lahat ng iyon, tinulungan siya ng Dios sa bawat araw at…

Nakatago sa Ulap

Noong Nobyembre 2016, mas naging malapit ang buwan sa mundo. Bihira lang mangyari ang supermoon kung saan mas mukhang malaki at mas maliwanag ang buwan. Hindi ko naman ito nasilayan kung saan ako naroon pero nakita ko naman ang mga larawan ng napakagandang buwan na kuha ng mga kaibigan kong nasa iba’t ibang lugar. Habang nakatanaw ako noon sa langit, alam…

Malugod na Pagtanggap

Tumira noon ang mga kaibigan ko sa Moldova na isa sa pinakamahirap na bansa sa Europa. Habang nandoon sila, malugod silang tinanggap ng mga tagaroon lalo na ng mga kapwa nila sumasampalataya kay Jesus. Minsan, kinuha nila ang mga relief goods mula sa isang magasawa na mananampalataya rin. Mahirap lang ang mag-asawa pero marami silang mga bata na kinukupkop. Bagamat hindi…

Magsakripisyo at Maglingkod

Maganda ang trabaho ng aking tiya kung saan nagagawa niyang magparoo’t parito sa Chicago at New York. Pero isang araw, iniwan niya ang trabaho niyang iyon para maalagaan ang kanyang mga magulang na nasa Minnesota. Siya na lang ang inaasahan nila dahil namatay nang maaga ang dalawa niyang kapatid. Para sa tiya ko, naisasapamuhay niya ang kanyang pananampalataya sa pamamagitan ng…