Huwag Kang Matakot
Nagkakaroon ng masamang epekto sa ating katawan ang pagkatakot o pagkasindak. May pagkakataon na sumasakit ang ating tiyan, kumakabog ang ating dibdib o kaya naman nahihirapan tayong huminga. Palatandaan din ito na nababalisa ang ating katawan.
Nakaranas din naman ng pagkatakot ang mga alagad ni Jesus. Matapos pakainin ni Jesus ang 5,000 katao, pinapunta ni Jesus ang Kanyang mga alagad sa…
Kababaang-loob
Minsan, habang nasa isang silid-aralan, pagalit na nagbigay ng komento ang isang estudyante sa sinabi ng kanyang guro. Nagulat ang ibang mga estudyante sa pangyayari. Nagpasalamat na lang ang guro sa komento ng estudyante at nagtanong na ng iba. Pagkatapos ng klase, tinanong ang guro kung bakit hindi siya nagsalita sa pagalit na komento ng estudyante. Tugon naman nito na…
Pananalangin
Minsan, habang iniisip ko ang pangangailangan ng isa sa malapit kong kaibigan, naalala ko ang kuwento ni Propeta Samuel na binanggit sa Lumang Tipan ng Biblia. Dahil doon lumakas ang loob ko na idalangin ang malapit kong kaibigan. Idinalangin kasi ni Samuel ang kanyang mga kababayan na humaharap sa matinding pagsubok.
Natatakot noon ang mga Israelita sa mga Filisteo. Ilang beses…
Kasama natin ang Dios
“Si Cristo’y kasama ko, si Cristo’y nasa harapan ko, si Cristo’y nasa likuran ko.” Mula ito sa awiting isinulat ni Saint Patrick. Naisip ko ang awit na ito nang mabasa ko ang tungkol sa kapanganakan ni Jesus sa aklat ni Mateo sa Biblia. Ipinaalala nito sa akin na hindi ako mag-iisa kailanman.
Ipinapakita sa aklat ni Mateo na ang pagparito…
Paghihintay
“Ilang tulog na lang po ba bago mag Pasko?” Ito ang madalas itanong ng mga anak ko noong maliliit pa sila. Inip na inip sila sa paghihintay kahit nakikita nila sa kalendaryo na malapit na ang araw ng Pasko.
Mapapansin natin na mahirap para sa mga bata ang maghintay. Pero hindi lang sila ang nahihirapang maghintay. Mahirap din ito para…
Kadakilaan ng Dios
Minsan, habang nasa dalampasigan ako, pinanonood ko ang mga taong nagka-kite surfing. Nakasakay sila sa malapad na kahoy habang hinihila ng malaking saranggola. Sa tulong ng malakas na hangin, mabilis silang umaandar at tumatalbog-talbog sa ibabaw ng dagat. Tinanong ko ang isa sa kanila kung mahirap ba ang ginagawa nila. Sagot nito, "Hindi, mas madali pa nga ito kaysa sa…
Kamangha-mangha
Gumagawa ng lagayan ng mga palaso ang aking ama. Inuukitan niya ito ng mga larawan ng mga hayop. Pinanood ko siya minsan kung paano niya ginagawa ang mga iyon. Kitang-kita ko kung gaano siya kaingat sa pag-uukit. Ang resulta, napakaganda ng mga nagawa niya.
Lubos akong humanga sa mga ginawa ng aking ama. Naisip ko tuloy na madalas na hindi ko…
Magandang Wakas
Minsan, nanood kami ng kaibigan ko ng pelikulang Apollo 13 na hango sa tunay na buhay. Bago mag-umpisa ang pelikula, bumulong ang kaibigan ko, “Sayang, namatay lahat ng bida.” Inabangan ko ang mga eksena kung saan mamamatay ang mga bida. Patapos na ang pelikula nang mapagtanto ko na biniro lang pala ako ng kaibigan ko. Nakalimutan ko na hindi nga pala…
Tulad sa Puno
Pagkalipat ng mga kaibigan ko sa kanilang bagong bahay, nagtanim sila ng wisteria. Isa itong uri ng halaman na namumulaklak. Pagkalipas ng maraming taong pag-aalaga sa halaman, namatay ito. Nakasipsip kasi ang mga ugat nito ng kemikal. Pagkaraan ng isang taon, nagulat sila nang may umusbong sa lupa kung saan inakala nilang namatay ang halaman.
Mababasa naman sa Biblia na inihahalintulad…
Si Jesus Mismo
Inalagaan ng kaibigan ko ang kanyang biyenan. Minsan, tinanong niya ang kanyang biyenan kung ano talaga ang makapagpapasaya sa kanya. Sumagot naman ang kanyang biyenan, “Gusto ko sanang hinuhugasan ang aking mga paa.” Hindi talaga gusto ng kaibigan ko na gawin ang bagay na iyon. Sa tuwing nagpapahugas ng paa ang kanyang biyenan, naiinis siya. Humihingi pa siya ng tulong sa…