Ang Aming Mga Manunulat

Tingnan lahat

Mga artikel na isinulat ni Amy Boucher Pye

Harapan

Sa panahon ngayon, nakikipag-usap tayo sa pamamagitan ng teknolohiya pero wala pa ring makahihigit sa pakikipag-usap nang harapan. Mas malalaman kasi ang nararamdaman ng isang tao sa tuwing nakikita natin ang ekspresyon sa kanilang mukha. Mas nasisiyahan tayo kapag nakakausap natin nang harapan ang ating mahal sa buhay tulad ng kapamilya o kaibigan.

Mababasa natin sa Biblia ang ganitong paraan ng…

Araw Ng Pamamahinga

Isang Linggo ng umaga, nakaramdam ako ng kapahingahan ng isip habang tinatanaw ang pag-agos ng tubig sa batis at naririnig ang huni ng mga ibon. Huminto at nagpasalamat ako sa Panginoon sa pagbibigay Niya ng kapahingahan.

Itinakda naman noon ng Dios ang araw ng Sabbath bilang araw ng pamamahinga ng mga Israelita dahil nais ng Dios na manumbalik ang kanilang lakas. Mababasa…

Pananampalatayang may Gawa

Napansin ng aking kaibigan ang isang babae na naglalakad sa tabi ng kalsada. Inalok niya itong sumakay na sa kanyang sasakyan. Naawa siya nang malaman na wala na palang pera ang babae kaya naglalakad na lamang ito papasok sa kanyang trabaho. Napakainit pa naman noon at malayulayo ang kailangan niyang lakarin.

Ang pagpapasakay ng kaibigan ko sa babae ay isang halimbawa…

Pagkakaisa

Sinulatan ko ang aking kaibigan tungkol sa hindi namin pagkakaintindihan. Hindi siya sumagot sa sulat ko, kaya naisip ko na hindi ko na sana ginawa iyon. Ayaw ko na palalain ang sitwasyon pero ayaw ko rin naman na hindi maayos ang problema namin bago siya mangibangbansa. Ilang araw siyang naging laman ng isip ko.

Ipinanalangin ko siya. Hindi ko pa alam…

Lubos na Kapayapaan

Minsan, nagkuwento sa akin ang isa kong kaibigan. Sinabi niya na matagal na niyang ninanais maging kuntento at maging mapayapa ang buhay. Iniisip niya na mangyayari ito nang magkaroon sila ng magandang negosyo na kumikita ng malaki. Nabibili na kasi nila ang anumang kanilang naisin tulad ng malaking bahay, magarang damit at mga alahas. Pero hindi niya natagpuan ang pagiging kuntento…

Binihisan ng Dios

Nang mga bata pa ang mga anak ko, madalas silang naglalaro sa maputik naming hardin. Kaya naman, inaalis ko agad ang mga damit nila bago sila pumasok sa aming bahay. Pagkatapos, pinaliliguan ko sila. Sasabunin at hihiluran para luminis ang madudumi nilang katawan.

Sa pangitain na ipinakita ng Dios sa propetang si Zacarias, nakita niya ang punong paring si Josue na…