Ang Aming Mga Manunulat

Tingnan lahat

Mga artikel na isinulat ni Amy Boucher Pye

LIGTAS SA BINGIT NG KAMATAYAN

Nang magtiwala sa Panginoong Jesus ang mag-asawang sina Taher at Donya, alam nilang malalagay sa panganib ang kanilang buhay. Pinagmamalupitan kasi sa kanilang bansa ang mga nagtitiwala kay Jesus. At iyon nga ang nangyari. Ikinulong si Taher habang nakapiring ang mga mata at nakaposas ang mga kamay. Ngunit bago pa sila humarap sa ganitong pagmamalupit, nagkasundo na silang hindi nila…

Kaibigang Panghabang-buhay

Nakakita ng kaibigan ang makatang taga Inglatera na si William Cowper (1731-1800) sa katauhan ng pastor niyang si John Newton (1725-1807) na dating nagbebenta ng mga alipin. Matindi ang kalungkutan at pagkabalisa ni Cowper noon at ilang beses siyang nagtangkang magpakamatay. Binibisita siya ni Newton at sabay silang naglalakad habang nag-uusap tungkol sa Dios. Naisip ni Newton na makakabuti sa…

Pangarap at Pananabik

Noong tumira ako sa Inglatera, tila karaniwang Huwebes na lang ang Araw ng Pasasalamat na isang malaking pagdiriwang sa Amerika. Naghanda ako ng maraming pagkain para magdiwang sa katapusan ng linggo, pero gusto kong makasama ang pamilya’t kaibigan ko. Alam kong ‘di lang ako ang may ganoong pananabik. Nais nating lahat na makasama sa pagdiriwang ang mga mahal natin. At…

Pagmamahal Sa Kapwa

Sa panahon ng pag-iisa at paghihigpit dahil sa pandemya ng coronavirus, naging makatotohanan ang salita ni Martin Luther King Jr. sa “Sulat Mula sa Kulungan sa Birmingham.“ Tungkol sa kawalan ng hustisya, sinulat niyang ‘di niya kayang umupo sa isang lungsod na walang pakialam sa nangyayari sa ibang lungsod. “Hindi natin matatakasang sanga-sanga ang mga buhay natin” at “pinagtagni-tagni ang…

Tunay Na Pagbabago

Magulo ang pamilyang kinalakihan ni Claud sa London. Noong labinglimang taong gulang siya, nagbebenta na siya ng marijuana, at heroin noong dalawangpu’t-lima. Naging gabay (mentor) siya sa mga kabataan para pagtakpan ito. Hindi nagtagal napukaw ng manager nila (na tagasunod ni Jesus) ang atensyon niya. Lumahok si Claud sa isang pag-aaral tungkol sa pananampalatayang Cristiano. Pagkatapos, tinanggap niya si Jesus sa buhay…