Ang Aming Mga Manunulat

Tingnan lahat

Mga artikel na isinulat ni Amy Boucher Pye

Ang Parola

May isang gusali sa bansang Rwanda na tinatawag na Lighthouse. Nakatirik ito sa lugar kung saan maraming tao noon ang pinatay. Itinayo ng mga nagtitiwala kay Jesus ang Lighthouse para maging simbolo ng kaligtasan at pag-asa sa mga tao doon. Nagtuturo rin sila ng Salita ng Dios para magabayan nila ang bagong henerasyon na siyang mga susunod na mamumuno sa bansa…

Kita Kita

Minsan, nabalisa at nabagabag ako sa aking mga pinoproblema. Pero pumayapa ang loob ko sa sinabi ng aking kaibigan na kapwa ko manunulat. Sinabi niya sa akin, “Kita kitá”. Nais niyang iparating sa simpleng salitang iyon na nagmamalasakit siya sa akin at nakikita niya ang mga pinagdaraanan ko.

Ang pagpapalakas ng loob na iyon ng kaibigan ko ang nagpaalala sa akin…

Hindi Napapansin

May mga kuwento sa Biblia na minsan ay napapaisip tayo. Halimbawa nito ang nangyari noong naglalakbay ang mga Israelita sa pamumuno ni Moises. Pumunta sila sa lugar na ipinangako ng Dios sa kanila. Sinugod sila ng kanilang mga kaaway at umakyat naman si Moises sa isang burol at itinaas niya ang kanyang tungkod (EXODO 17:8-15). Sino ang mag-iisip na makakatulong ang…

Nagbibigay-Buhay

Magkasama kaming naglalakad ng anak ko papunta sa eskuwelahan niya. Malamig at mahamog nang umagang iyon kaya naman natutuwa kami sa parang usok na lumalabas sa aming bibig kapag humihinga. Napakagandang alaala namin iyon ng anak ko. Nagpapasalamat ako sa panahong iyon at sa pakiramdam na masayang mabuhay.

Sa pagkatuwa namin na makita ang aming hininga na parang usok, naisip ko…

Mawawalan

Nang maikasal na kaming mag-asawa, tumira kami sa bansa ng asawa ko. Iniisip ko na limang taon lang ako mamamalagi dito. Pero hindi ko sukat akalain na nandito pa rin ako pagkalipas ng halos 20 taon. May pagkakataon na parang nawawala na ang mga dati kong nakasanayang buhay. Malayo kasi ako sa aking pamilya at kaibigan. Ibang-iba na ang buhay ko…

Singsing na Pantatak

Nang magkaroon ako ng kaibigan sa ibang bansa, napansin kong pangmaharlika ang punto ng pananalita niya sa Ingles at mayroon siyang singsing sa hinliliit. Nalaman ko na hindi lang pala basta singsing iyon. May nakaukit doon na nagpapahayag ng tungkol sa pamilya niya.

Ang singsing ng aking kaibigan ay parang may pagkakatulad sa singsing na binanggit sa aklat ng Hagai sa…

Narinig at Isinagawa

Ang aking asawa ay nangangasiwa sa isang kapulungan ng mga sumasampalataya kay Jesus. Isang gabi may tumawag sa kanya sa telepono. Dinala daw sa ospital ang isa sa mga babaing masipag manalangin sa kapulungan namin. Mga 70 taon na siya at nag-iisa lang sa bahay. Malubha ang sakit niya. Hindi na siya makakain at makainom. Hindi na din siya makakita at…