Ang Aming Mga Manunulat

Tingnan lahat

Mga artikel na isinulat ni Amy Boucher Pye

Kung Saan Ako Kabilang

Sa pagtatapos ng Paskuwa, isang tradisyon ng mga Judio kung saan pinagdiriwang at inaalala ang kadakilaan ng pagliligtas ng Dios, nakapaikot na nagsasayawan ang mga miyembro ng simbahan. Nasa likod si Barry, nakangiti habang nanonood. Gustung-gusto niya ang mga ganoong okasyon. Sabi pa niya, “Ito na ang pamilya ko ngayon. Nahanap ko na kung saan ako magmamahal at mamahalin... kung…

Biyaya Kapag May Pagsubok

Nalumpo si Annie Johnson Flint dahil sa matinding arthritis ilang taon lang pagtuntong niya ng high school. Hindi na siya nakalakad at umasa na lang siya sa iba para sa mga pangangailangan niya. Dahil sa kanyang mga tula at awit, marami siya laging bisita, kasama na doon ang isang diyakonesa na pinanghihinaan ng loob sa paglilingkod nito. Nang umuwi ang bisita, sumulat…

Karunungan at Kaunawaan

Noong 1373, nagkasakit si Julian ng Norwich at muntik mamatay. Nang dumating ang pastor para ipanalangin siya, nakakita siya ng maraming pangitain tungkol sa pagpapapako kay Jesus sa krus. Matapos himalang gumaling, ginugol niya ang sumunod na 20 taon sa pag-iisa sa isang silid sa simbahan, pinapanalangin at pinag-iisapan ang naranasan. Naisip niya, ang pagsasakripisyo ni Cristo ang pinakamataas na…

Taos-pusong Pagbibigay

Nagsilbi kay Reyna Victoria si Heneral Charles Gordon (1833-1885) sa China at sa ibang lugar, pero kapag nasa Inglatera siya, ipinamimigay niya ang 90 porsyento ng sweldo niya.

Nang narinig niya ang taggutom sa Lancashire, tinanggal niya ang sulat sa medalyang purong ginto na bigay ng isang pinuno ng ibang bansa. Pinadala niya ito para tunawin at gamitin ang perang…

Biyaya Ng Pagsisisi

“Hindi ko ginawa ‘yon!” Nanlumo si Jane sa pagkakaila ng anak na binatilyo. Nagdasal siya at humingi ng tulong sa Dios bago tanungin ulit si Simon kung ano ang nangyari.

Pero patuloy sa pagtanggi si Simon hanggang sa sumuko na si Jane. Sinabi ni Jane na kailangan niya ng pahinga at nagsimulang lumakad palayo pero naramdaman niya ang kamay ni…