
Iniingatan
Minsan, sumulat ako sa aking mga nagbibinatang mga anak. Sinabi ko sa aking sulat ang tungkol sa pagkakakilanlan natin sa Dios bilang Kanyang mga anak. Dahil noong nagbibinata ako, hindi ako sigurado kung ano ang kalagayan ko sa harap ng Dios.
Ngunit, noong nagtiwala ako sa Panginoong Jesus bilang Dios ng aking buhay at aking Tagapagligtas. Nalaman kong minamahal at…

Ibahagi Mo
Isang sikat na tagapagturo ng Biblia si Dwight Moody. Nang magtiwala siya kay Cristo, nangako siya sa kanyang sarili na hindi niya palalagpasin ang bawat araw na hindi niya ibinabahagi si Cristo sa iba. Sa mga araw na abala siya, gabi na niya naaalala ang pangako niyang ito.
Isang gabi, nang matutulog na siya, bigla niya itong naalala. Bumangon siya…

Tulong Galing Sa Panginoon
Noong 1800s, limang taong pineste ng mga tipaklong ang mga pananim sa Minnesota sa Amerika. Sinunog ng mga magsasaka ang kanilang mga pananim upang sugpuin ang mga ito. Dahil sa nagbabadyang taggutom, hiniling ng mga tao na magkaroon ng isang araw ng sama-samang pananalangin. Pumayag ang Gobernador dito at itinalaga ang Abril 26 bilang araw ng pananalangin.
Ilang araw matapos…

Pagiging Kontento
Naging paralisado na si Joni Eareckson Tada matapos siyang maaksidente sa paglangoy. Hindi na niya maigalaw ang kanyang mga kamay at mga binti. Naging mahirap para sa kanya ang simpleng gawain sa bawat araw. Kailangan siyang subuan pa para lamang makakain. Pero nagsumikap siya na magawa muli ang mga bagay na dati niyang ginagawa.
Sabi niya, “Ang naging sikreto ko…

Ipahayag Ang Pananampalataya
Isang manunulat si Becky Pippert at nagpapahayag ng tungkol sa paraan ng kaligtasan na ginawa ng Panginoong Jesus. Tumira siya sa bansang Ireland. Nang nandoon siya, nais niyang ipahayag sa manikuristang si Heather ang tungkol kay Jesus. Pero tila hindi interesado si Heather kaya nanalangin muna si Becky sa Dios.
Minsan, habang nililinisan siya ni Heather ng kuko, napatitig si…