
Ang Prinsipe Ng Kapayapaan
Noong maging pneumonia ang sipon ni John, naospital siya. Sa parehong oras, ginagamot ang nanay niyang may kanser ilang palapag mula sa kinaroroonan niya, at nilamon na siya alalahanin tungkol sa kanilang dalawa.
Tapos noong bisperas ng Pasko, nang ipatugtog sa radyo ang “O Holy Night,” napuno si John ng kapayapaan ng Dios. Pinakinggan niya ang mga sinabi tungkol sa gabi ng…

Napakaraming Tao
Masaya at excited kaming nagkita-kita para sumamba nang araw na iyon ng Linggo. Kahit hiwa-hiwalay kami dahil sa coronavirus, kinuha namin ang pagkakataon para ipagdiwang ang kasal nina Gavin at Tijana. Naka-broadcast iyon sa mga kaibigan namin at kapamilya na nakakalat sa iba’t ibang bansa—sa Spain, Poland, at Serbia. Tinulungan kami ng ganitong teknolohiya para malampasan ang mga hadlang habang pinagdiriwang namin…

Umawit Ng Papuri Sa Dios
Minsan, nagkaroon ng isang discipleship conference sa aming lugar. Napakainit ng panahon nang isinasagawa iyon. Pero, lumamig din sa huling araw ng conference. Dahil dito, nagpasalamat ang lahat ng dumalo sa pagpapalang ito ng Dios. Umawit sila ng papuri at sumamba sa Dios. Habang pinagbubulayan ko ang mga nagdaang -araw, naalala ko ang kagalakan sa pagsamba sa Panginoon.
Alam naman ni…

Mga Plano Ng Dios Para Sa’yo
Anim na taong sinubukan ni Agnes na maging huwarang asawa ng pastor tulad ng biyenan niyang babae. Naisip ni Agnes na ’di niya puwedeng isabay ang pagiging manunulat at pintor sa pagiging asawa ng pastor. Isinantabi niya ang pagkamalikhain, pero nakaramdam siya ng malalim na lungkot – nadepres at kinalaunan, nagtangkang magpakamatay.
Ang pastor na kapitbahay nila ang tumulong para…

Iniingatan
Minsan, sumulat ako sa aking mga nagbibinatang mga anak. Sinabi ko sa aking sulat ang tungkol sa pagkakakilanlan natin sa Dios bilang Kanyang mga anak. Dahil noong nagbibinata ako, hindi ako sigurado kung ano ang kalagayan ko sa harap ng Dios.
Ngunit, noong nagtiwala ako sa Panginoong Jesus bilang Dios ng aking buhay at aking Tagapagligtas. Nalaman kong minamahal at…