
Nananahan Sa Atin
Minsan, may mga nasasabi ang mga bata na makatutulong para mas maunawaan natin ang mga katotohanan tungkol sa Dios. Noong maliit pa ang anak ko, sinabi ko sa kanya ang isang katotohanan tungkol sa pananampalataya. Ipinaliwanag ko sa anak ko na kapag nagtiwala ang isang tao sa Panginoong Jesus, nananahan sa atin ang Dios sa pamamagitan ng Banal na Espiritu.…

Kakayahang Magpatawad
Muling pinagbulayan ni Beata kung paano niya nagawang patawarin si Manasseh na pumatay sa kanyang asawa at ilang anak. Sinabi ni Beata, “Hindi ko siya napatawad sa sariling kakayahan ko. Sa halip, sa tulong ni Jesus na siyang nagpatawad sa akin ang dahilan kung bakit nagawa ko siyang patawarin. Katulad ng pagtatagumpay ni Jesus sa krus, nagawa ko ring magtagumpay.”…

Kabilang Ka
Minsan, nagpasya ang Reyna ng United Kingdom na bumisita sa bahay ni Sylvia para magkasama silang uminom ng tsaa. Sobrang naging aligaga si Sylvia sa pag-aayos ng bahay, sa paghahanda ng pagkain at pagbili ng magagandang bulaklak. Habang pauwi si Sylvia galing sa pagkuha ng mga bulaklak, naalala niya na ang Dios niya ang Hari ng mga hari at ang pinakadakila…

Pagbabasa Ng Biblia
Noong 1893, idinaos ang World’s Fair sa Chicago at sobrang daming tao ang pumupunta doon para magpakasaya. Noong araw din na iyon, naghahanda si Dwight Moody sa kanyang pagtuturo ng Biblia. Gusto niya na mapuno ang isang tanghalan ng mga taong makikinig sa kanya. Pero salungat naman ito sa iniisip ng kaibigan niya, nais kasi ng mga tao na magsaya sa…

Walang Katapusan
May sakit na epilepsy ang kapatid kong si Paul. Mas naging malubha ang karamdaman niya nang magbinata siya. Naging mahirap para sa kanya at para sa aking mga magulang ang kanyang sakit. May pagkakataon na halos mahigit anim na oras siyang inaatake ng epilepsy.
Walang mahanap na gamot ang mga doktor para maging maayos ang kanyang kalagayan. Kaya, laging taimtim na…