Ang Aming Mga Manunulat

Tingnan lahat

Mga artikel na isinulat ni Anne Cetas

Mahalaga Ka

Minsan, habang naglalakad ako sa lugar namin, may isang batang nagpakilala, “Ako nga po pala si Genesis, anim na taong gulang.” Ang sagot ko naman, “Ang ganda naman ng pangalan mo, alam mo ba na isang aklat ang Genesis sa Biblia?” “Ano po ang Biblia?” sagot naman niya. Sabi ko kay Genesis, “Sa Biblia, mababasa natin kung paano ginawa ng…

Masayang Pagdiriwang

Isang taon bago pumanaw ang kaibigan kong si Sharon, pumanaw rin si Melissa na anak ng kaibigan kong si Dave. Aksidente sa kotse ang parehong sanhi ng kanilang pagpanaw. Minsan, napanaginipan ko sina Sharon at Melissa. Masaya silang nagkukuwentuhan habang nagdedekorasyon sila ng isang kuwarto. Sa kuwartong iyon ay may mahabang mesa at gintong mga plato at mga baso. Tinanong…

Tanggalin Ang Sama Ng Loob

Agad na dumalangin sa Dios si Rebecca para magkaayos ang relasyon ng kanyang kapatid at ang asawa nito. Gayon pa man, naghiwalay ang mag-asawa. Kinuha ng hipag niya ang mga pamangkin niya at nanirahan sa ibang lugar. Hindi na muling nakita ni Rebecca ang mga mahal niyang pamangkin.

Makalipas ang ilang taon, sinabi ni Rebecca, “Dahil hinayaan kong kontrolin ako…

Kung Sino Ka

Itinuturing ni Dnyan ang kanyang sarili na mag-aaral ng mundo. Sinasabi pa niya na “isa itong malaking paaralan” sa bawat siyudad at bayan na kanyang nadadaanan. Sinimulan ni Dnyan ang kanyang paglalakbay noong 2016 upang makakilala at matuto sa mga taong kanyang makakasalamuha. Kapag hindi sila nagkaka-unawaan ng kausap, nakadepende siya sa kanyang cellphone para sa pagsasalin ng salita.

O kaya…

Makontento

Naisip ng isang ina na malaki ang nagagastos niya sa pagbili ng regalo para sa kanyang pamilya tuwing Pasko. Kaya nagdesisyon siyang mag-ukay-ukay para sa taong iyon, para maiba. Mas marami siyang nabiling pangregalo pero sa murang halaga. Disperas ng Pasko, masayang nagbukas ng mga regalo ang kanyang mga anak.

Kinabukasan naman meron paring mga regalo. Dahil nakonsensya ang ina…