Ang Aming Mga Manunulat

Tingnan lahat

Mga artikel na isinulat ni Anne Cetas

Ipakita ang Pagmamahal

Nang malaman ko na may kanser ang aking kapatid, sinabi ko sa mga kaibigan ko na, “Hangga’t maaari, maglalaan ako nang mas mahabang oras para sa ate ko simula ngayon.” May ilang nagsabi na tila labis ang reaksyon ko pero pumanaw agad ang kapatid ko sa loob lamang ng sampung buwan. Bagama’t naglaan ako ng maraming oras para makasama siya, hindi…

Magpahinga

Napilay ang braso ni Darnell kaya naman kailangan niya itong ipagamot sa isang lugar na nagbibigay ng lunas sa ganitong karamdaman. Nakakaramdam siya ng matinding sakit tuwing inuunat ng manggagamot ang kanyang braso. Ilang beses ding sinasabi ng manggagamot sa kanya na, “Puwede na po kayong magrelaks.” Matapos ang ehersisyo na ginawa sa kanyang braso, sinabi ni Darnell na parang 50…

Selfie

Nagandahan si Krista sa isang parolang nababalutan ng snow na nasa tabi ng lawa. Kaya naman, naisipan niyang kunan ito ng litrato gamit ang kanyang cellphone. Dahil sa hamog sa suot niyang salamin, wala siyang makita. Itinapat na lamang niya ang kanyang cellphone sa parola at kumuha ng litrato na may iba’t ibang anggulo. Nang makauwi na siya, tiningnan niya ang…

Hindi Inaasahan

Noong nakaraang taon, idinalangin naming magkakaibigan ang tatlong babae na may sakit na kanser. Naniniwala kami na kayang-kaya silang pagalingin ng Dios. May mga pagkakataon na gumaganda ang kanilang kalusugan pero hindi nagtagal at namatay din silang lahat. Sinabi ng ilan na maituturing ito na “tunay na kagalingan” pero lubos pa rin naming ikinalungkot ang kanilang pagkawala. Hindi iyon ang kasagutan…

Nasaan ang Pag-asa?

Si Elizabeth ay matagal na nalulong sa ipinagbabawal na gamot. Nang gumaling siya, ninais niya na tulungan ang mga katulad niya. Gumawa siya ng mga sulat na naglalayong bigyan sila ng pag-asa. Inipit niya ang mga iyon sa mga bahagi ng sasakyan at sa mga poste sa mga park. Noon, hangad niyang magkaroon ng pag-asa. Nais naman niya ngayon na magkaroon…

Layunin ng Dios

Ang kasama ko sa trabaho na si Tom ay may krus na nakalagay sa kanyang mesa. Gawa ito sa salamin at ibinigay sa kanya ng isang kaibigan na gumaling din sa sakit na kanser kagaya ni Tom. Sinabi ng kaibigan niya na sa pamamagitan ng krus na iyon ay maaalala ni Tom ang pag-ibig at layunin ng Dios sa kanyang buhay.…

Maglaan ng Panahon

Bagong lipat si Rima sa Amerika. Taga bansang Syria siya noon. Kaya naman, nahihirapan siyang ipaliwanag sa kanyang tagapagturo ng Ingles kung bakit siya malungkot. Habang lumuluha, inaayos ni Rima ang kanyang inihandang pagkain. Tapos, ikinuwento ni Rima na may mga taong pupunta sa kanila galing sa simbahang malapit sa bahay nila. Pero isang lalaki lamang ang dumating. May iniwan itong…