Ang Aming Mga Manunulat

Tingnan lahat

Mga artikel na isinulat ni Bill Crowder

Kaalaman, Sa Espiritu Mula

’Di inakala ng sundalong Pranses na habang naghuhukay sa buhangin para gawing mas matibay ang kampo ng hukbo nila, matutuklasan niya ang isang napakahalagang bato: ang ‘Rosetta Stone.’ Bato na kung saan nakalista sa tatlong wika ang mga mabubuting ginawa ni Haring Ptolemy V para sa mga pari at mga tao ng Ehipto.

Inilagak ito sa Museo ng Britanya at kinikilala…

Alalahanin at Ipagdiwang

Noong Disyembre 6, 1907, isang minahan ang sumabog sa West Virginia sa bansang Amerika. Maraming napinsala sa pagsabog na ikinamatay ng 360 minero. Tinatayang nasa halos 250 ang mga naiwang biyuda ng mga namatay at nasa 1,000 bata naman ang naulila na sa ama. Ito ang naging dahilan upang alalahanin at ipagdiwang ang Araw ng mga Ama. Mula sa isang…

Pagkawalay

Minsan, habang inihahatid kami ng aming taxi driver sa Heathrow Airport, nagkuwento siya ng tungkol sa kanyang buhay. Sinabi niya na labin-limang taong gulang pa lamang daw siya nang magsimulang manirahan sa United Kingdom. Ginawa niya iyon upang takasan ang digmaan at taggutom sa kanilang bansa.

Paglipas ng labing-isang taon, mayroon na siyang sariling pamilya at masaya niyang natutugunan ang kanilang pangangailangan.…

Mapayapang Buhay

May isang lugar sa Perth, Australia na tinatawag na Shalom House. Tinutulungan dito ang mga taong nalulong sa ipinagbabawal na gamot, pagsusugal at pag-inom ng alak. Ang ibig sabihin ng salitang shalom sa wikang Hebreo ay kapayapaan. Tinutulungan sila dito na mabago ang kanilang buhay sa pamamagitan ng pag-ibig at kapayapaang nagmumula sa Dios.

Nababago rin ang kanilang buhay kapag nauunawaan…

Kay Jesus Lamang

Itinuturing na pinakamalalim na lawa sa buong mundo ang Lawa ng Baikal. Binubuo nito ang halos 1/5 ng lahat ng sariwang tubig sa mundo. Pero hindi madaling mapuntahan ang Lawa ng Baikal. Matatagpuan ito sa Siberia, isa sa pinakamalayong lugar sa bansang Russia. Nakakatuwang isipin na nasa isang tagong lugar ang lawang iyon, gayong napakaraming tao sa mundo ang nangangailangan…