Ang Aming Mga Manunulat

Tingnan lahat

Mga artikel na isinulat ni Bill Crowder

Paalam at Pagsalubong

Maraming nagbago sa mga pananaw ko sa buhay nang biglang pumanaw ang kapatid kong si David dahil sa atake sa puso. Pang-apat si David sa aming pitong magkakapatid pero siya ang unang pumanaw sa amin. Maraming bagay ang napagbulay-bulayan ko sa biglang pagpanaw niya. Napagtanto ko na sa pagtanda namin, mas haharap ang pamilya namin sa pagpanaw kaysa sa pagkakaroon…

Gabay Ng Dios

Higit pa sa kaibigan ang turing ng iskolar na si Kenneth Bailey kay Uncle Zaki. Nagsilbing gabay si Uncle Zaki ni Kenneth at ng kanyang grupo nang minsang magpunta sila sa disyerto ng Sahara. Ipinakita nila ang pagtitiwala kay Uncle Zaki sa pamamagitan ng pagsunod sa kanya. Hindi nila alam ang daan at kung mawala man sila, tiyak na mamamatay…

Daluyan Ng Kapayapaan

Noong nangyari ang Unang Digmaang Pandaigdig, nasabi ng Briton na si Sir Edward Grey ang ganitong pangungusap, “Hindi na natin muli makikita ang liwanag ng mga lampara sa buong Europa sa buhay na ito.” Tama siya. Noong natapos na kasi ang digmaan na tumapos sa lahat ng hidwaan, 20 milyon katao ang namatay at 10 milyon dito ay mga sibilyan.…

Pagkakaiba-iba

Sa loob ng maraming dekada, ang London ang isa sa mga lungsod sa mundo na may pinakamaraming naninirahang iba-ibang lahi. Noong 1933, isinulat ng mamamahayag na si Glyn Roberts na ang pinakamaganda sa London ay ang pagkakaroon nito ng tila parada ng mga tao na may magkakaibang kulay at wika. Hanggang sa ngayon, ito pa rin ang lalong nagpapaganda sa…

Nakakamanghang Kakayahan

Namamangha ako sa kakayahan ng aming lider. Tumutugtog kasi siya ng piano habang pinamumunuan kami sa aming pag-awit. Minsan, nang matapos ang aming pagtatanghal nakita ko siya na parang pagod na pagod. Kaya, tinanong ko siya kung ok lang siya. Sumagot naman siya, “Hindi ko pa nagawa iyon dati.” Tapos nagpaliwanag siya na nawala pala sa tono ang piano na…