PAGHUHUGAS NG PAA... AT PLATO
Sa ika-limampung anibersaryo ng kasal nina Charley at Jan, nag-almusal sila kasama ang kanilang anak na si Jon sa isang café. Noong araw na iyon, kapos sa tauhan ang café. Tatlo lang sila: ang manager, ang kusinero, at isang dalagitang mag- isang kumukuha ng order, nagdadala ng pagkain, at naglilinis ng mesa. Nang patapos nang kumain sina Charley, tinanong niya…

DILIM AT LIWANAG
Nang matuklasan ni Elaine na mayroon siyang malubhang kanser, alam na nila ng asawa niyang si Chuck na hindi na magtatagal bago makapiling ni Elaine si Jesus. Pinanghawakan nilang mag-asawa ang pangako sa Salmo 23 na sasamahan sila ng Dios habang naglalakbay sila sa pinakamalalim at pinakamahirap na lambak sa kanilang limampu’t apat na taong pagsasama. Nagkaroon sila ng pag-asa…

HUWAG PANGHINAAN NG LOOB
Hindi ko na maalala ang panahong may mabuting kalusugan ang nanay kong si Dorothy. Bilang isang diabetic, pabago-bago ang kanyang blood sugar. Lumala ang mga komplikasyon at sumailalim siya sa permanenteng dialysis dahil sa pinsala sa kanyang mga bato. Dahil sa neuropathy at mga baling buto, kinailangan rin niyang gumamit ng wheelchair. Unti-unti ring lumabo ang kanyang paningin.
Ngunit habang humihina ang…

KATUPARAN NG PANGAKO
Noong bata ako, nagbabakasyon ako sa lolo at lola ko tuwing tag-init. Nitong tumanda na ako, nakita ko kung paano nakatulong sa akin ang mga panahong iyon. Dahil sa yaman ng karanasan nila at sa haba ng paglakad nila kasama ang Dios, naitanim nila sa mura kong isipan ang mga karunungang natutunan nila. Isa na rito ang katapatan ng Dios.…

KATAHIMIKAN
May isang kwarto sa Minneapolis, Minnesota na nanaisin mong puntahan dahil napakatahimik dito. Tinaguriang pinakatahimik na lugar sa buong mundo ang kwartong ito dahil kaya nitong alisin ang lahat ng ingay sa paligid. Pinupuntahan ito ng mga tao. Pero nakakatagal lang ng halos apatnapu’t limang minuto ang isang tao sa loob ng silid dahil sa matinding katahimikan.
Ninanais din naman…
