Ang Aming Mga Manunulat

Tingnan lahat

Mga artikel na isinulat ni Dave Branon

Kaluwalhatian

Sa ating kalagayan, lahat tayo ay hindi nakaabot nito (ROMA 3:23). Si Jesus ang kaningningan nito (HEBREO 1:3) at sa lahat ng nagtitiwala kay Jesus ay nakita nila ito (JUAN 1:14). Sa Lumang Tipan ng Biblia, binalot nito ang Toldang Tipanan noon ng Dios. At pinanguhan din nito ang mga Israelita noon. Ipinangako naman ng Dios na sa darating na panahon,…

Pag-ibig ang Sagot

Noong Agosto 21, 2016, nagkaroon ng matinding baha sa Louisiana sa Amerika. Kaya naman, nagtawag ng tulong si Carissa at ang asawa niyang si Bobby sa mga kakilala nila para puntahan at tulungan ang mga nabaha. Nasa 1,000 milya ang layo nila sa lugar ng mga nasalanta. Pero wala pang 24 oras ang nakakalipas, 13 katao ang nagsabing pupunta at handang…

Kaluwalhatian

Isa sa kapana-panabik sa pagbisita sa bansang Europa ay ang makita ang mga magaganda at malalaki nilang simbahan. Mamamangha ka at makapagdudulot ng kakaibang karanasan ang mga larawan, simbolo at disenyo na makikita mo roon.

Kapansin-pansin naman na nagpapahayag ng kadakilaan at kaluwalhatian ng Dios ang mga makikita roon. Kaya, naisip ko kung paano naman natin mailalagay sa ating puso at…

Nakagawiang Pasko

May mga bagay at nakagawian nating gawin ang nagpapaalala sa Pasko. Ang iba sa mga ito ay mula sa iba’t ibang bansa. Tulad ng candy cane na unang ginawa sa Germany, ang bulaklak na poinsettia na mula sa Mexico, ang salitang Noel na galing sa mga Pranses at ang mistletoe na galing sa Inglatera. Salamat sa mga ito dahil lalong…

Pag-ani at Pasasalamat

Ilang libong taon na ang nakakaraan, nagtatag ang Dios ng bagong kapistahan para sa mga Israelita at sinabi Niya ito kay Moises. Ayon sa isinulat ni Moises sa Exodo 23, sinabi ng Dios, “Ipagdiwang din ninyo ang Pista ng Pag-ani sa pamamagitan ng pagdadala ng mga unang ani ng inyong bukid” (TAL. 16 ASD).

Sa panahon ngayon, ipinagdiriwang din sa…

Ngumiti

Pumunta kami ng asawa ko noon sa isang kilalang museo sa Paris. Pag-uwi namin ng bahay, agad naming tinawagan ang aming apo na si Addie. Ikinuwento namin na aming nakita ang sikat na obra ni Leonardo da Vinci na Mona Lisa. Tanong ni Addie, “Nakangiti ba si Mona Lisa?”

Ito ang laging itinatanong kapag pinag-uusapan ang obrang iyon. Mahigit 600 taon…

Ang kuwento ni Ruth

Si Ruth ay mahigit 80 taong gulang na ngayon. Marami na siyang hindi kayang gawin dahil sa katandaan. Kung titingnan siya, mukhang hindi siya maituturing na maipluwensiya sa grupo naming mga nagtitiwala kay Jesus.

Gayon pa man, kapag ikinukuwento na niya sa amin kung paano siya iniligtas ng Panginoon, maituturing siya na isang buhay na patotoo. Noong mga nasa tatlumpung taon…

5020

Isang mabuting asawa, ama, guro at coach si Jay Bufton. Malapit na siyang mamatay dahil sa sakit na kanser. Ang kuwarto niya sa ospital na may numerong 5020 ay nagsilbing lugar ng pag-asa para sa kanyang pamilya, kaibigan at mga nagtatrabaho sa ospital. Dahil sa pagiging masayahin ni Jay at sa kanyang matibay na pananampalataya sa Dios, gusto ng mga nars…

Bago sa loob at Labas

Isang libro ang matagal nang ibinebenta sa loob ng maraming taon. Naisip ng manunulat nito na dapat na itong baguhin at isaayos muli. Pero nang matapos itong isaayos, nagkamali ang taga-imprenta nito. Sa halip na ang isinaayos na libro ang maimprenta, ang lumang laman ng libro ang nailagay nila. Ang pabalat ng libro ay bago pero luma ang laman.

Minsan, may…

Kapakanan ng Iba

Nagtatrabaho ang kaibigan kong si Jaime sa isang malaking kumpanya. Noong bago pa lang siya roon, kinausap siya ng isang lalaki at kinamusta. Tinanong niya si Jaime kung ano ang trabaho niya. Pagkatapos sumagot ni Jaime, siya naman ang nagtanong, “Anong pangalan mo?” “Rich,” tugon ng lalaki. “Ano naman ang trabaho mo rito sa kumpanya, Rich?” tanong ni Jaime. Sumagot naman…