Ang Aming Mga Manunulat

Tingnan lahat

Mga artikel na isinulat ni Dave Branon

Pusong May Malasakit

Minsan, pumunta kami ng pamilya ko sa isang lugar na may mga nagtatanghal. Nais namin na magkakatabi kaming lahat sa upuan. Kaya nang may makita kaming libreng upuan para sa aming lahat, agad kaming pumunta. Pero nang papunta na kami, may isang babae na nagmamadali at inunahan kami sa upuan. Sinabi ng asawa ko sa babae na gusto naming magkakatabi sana…

Natatangi

Minsan, naisip ko na pahabain ang balbas ko habang bakasyon. Iba’t ibang komento ang natanggap ko mula sa aking mga kaibigan at katrabaho. Nagustuhan ng marami ang bago kong hitsura. Pero isang araw, nagpasya akong ahitin na ang aking balbas dahil parang ibang tao na ako.

Naisip ko tuloy na ang bawat isa ay may sari-sariling pagkatao at kung bakit may…

Ginawang Bago

Noong 2014, nagkaroon ng malaking butas sa ilalim ng lupa sa mismong kinatitirikan ng National Corvette Museum. Lugar ito kung saan makikita ang mga lumang kotse na ginawa ng kumpanya ng Corvette. Nahulog ang walong lumang kotse sa butas. Lubhang nasira ang ilan sa mga kotse at ang ilan ay imposible nang maayos pa.

Kapansin-pansin naman ang isa sa mga nahulog…

Ngayon na

Naglaro ang apo naming sina Maggie at Katie sa likod-bahay. Ginawa nilang tent ang mga kumot. Maya-maya, tinawag ni Maggie ang kanyang ina. “Inay, punta ka po dito. Dali po. Gusto ko pong papasukin sa puso ko si Jesus. Tulungan n’yo po ako.” Nalaman ni Maggie na kailangan niya si Jesus at handa na siyang magtiwala sa Kanya.

Ang pagmamadali ni…

Dinig sa Paligid

Ang Walt Disney Studios ang kauna-unahang gumamit ng tinatawag na stereophonic sound. Sa ganitong paraan, hindi lang sa isang direksyon nagmumula ang tunog kundi naririnig ito sa buong paligid.

Noong panahon ng Lumang Tipan ng Biblia, may gumawa na nang ganoong paraan para ang tunog ay hindi lang sa isang direksyon nanggagaling. Nang ipagpapasalamat na ng mga Israelita sa Dios ang…