Ang Aming Mga Manunulat

Tingnan lahat

Mga artikel na isinulat ni Dave Branon

Magturo O Magsaka?

May kuwento tungkol sa magkapatid na sina Billy at Melvin. Minsan, habang nasa bukid sila ng pagawaan nila ng gatas, may nakita silang lumilipad na eroplano na gumuguhit ng letra sa ulap. Pinanuod nila ang eroplano at ang mga letra na iginuhit nito ay “GP”.

Binigyang kahulugan ng magkapatid ang mga letrang naisulat. Para sa isa ang ibig sabihin ng…

Hindi Makapagsalita

Labis na kagalakan ang nadama ng isang matandang lalaki na nakaupo sa kanyang wheelchair habang pinakikinggan ang grupo ng mga kabataang Amerikano na umaawit tungkol kay Jesus. Kalaunan, napagtanto ng ilang kabataang lumapit sa matanda na hindi pala ito nakakapagsalita dahil na-istroke ito noon.

Nagpasya ang mga kabataang iyon na muling umawit alangalang sa matanda dahil hindi nila ito makakausap.…

Hangarin at Layunin

Isang endurance athlete si Colin O’Brady, atletang ginagawa ang mga bagay sa loob nang matagal na panahon na hindi napapagod. Noong 2018, ginawa niya ang isang paglalakbay na puno ng pagpupunyagi at lakas ng loob: habang hila-hila niya ang isang kareta, mag-isa siyang naglakad sa malaking bahagi ng Antarctica, 932 milya sa loob ng 54 araw.

Ang sabi niya tungkol…

Hindi Mailarawan

May isinulat na kanta si Bart Millard na sumikat ng husto noong 2001. Pinamagatan niyang, “I Can Only Imagine” ang kanta. Inilalarawan ng kanta ang isang kamanghamanghang kalagayan sa piling ng Dios. Nakapagbigay naman sa amin ng lakas ng loob ang bawat salita sa awiting iyon. Namatay kasi ang anak kong si Melissa sa isang aksidente. Iniisip ko kung ano…

Maging Ilaw

Araw-araw maagang nagpapahatid sa paaralan si Stephen sa kanyang mga magulang. Pero hindi niya sinasabi sa kanyang magulang kung bakit mahalagang makarating siya ng 7:15 ng umaga sa kanilang paaralan.

Noong mga panahon ding iyon, nasangkot si Stephen sa isang aksidente na naging sanhi ng kanyang pagkasawi. Sa pangyayaring ito, nalaman ng mga magulang ni Stephen ang dahilan kung bakit…

Ang Nawalang Sobre

Nagpapagasolina ako ng sasakyan namin nang may makita akong isang marumi at makapal na sobre sa sahig. Pinulot ko at sinilip ito. Nagulat ako nang makita kong may laman itong isang daang dolyar.

Maaaring nag-aalala na sa kahahanap ang taong nakaiwan ng sobre. Malaking halaga ang nawala niya. Iniwan ko ang numero ng telepono namin sa mga empleyado sa gasolinahan sakaling…