Bagong Buhay
Gumagawa ng mga obra si Noah Purifoy mula sa mga patapong bagay. Noong 1965, gumawa siya kasama ng kanyang mga kaibigan ng isang obra. Ginamit nila ang sirang T.V at mga sirang gulong. Pinuri naman si Noah ng isang manunulat na isa raw siyang dalubhasa sa paggawa ng obra mula sa mga itinapon na ng mga tao. Ipinaparating ng kanilang obra…
Masaya ka ba?
Bumenta ng 2 milyong kopya sa buong mundo ang librong isinulat ni Marie Kondo na taga Japan. Tungkol iyon sa pagbibigay ng payo kung paano aayusin ang mga gamit sa bahay. At kung ano ang mga bagay na dapat pa bang itabi o itapon na. Ipinayo ni Marie na hawakan mo raw ang isang gamit sa inyong bahay. Tapos, tanungin mo…
Nagmamalasakit
Mag-isang pupunta ang bunso kong babae sa Barcelona mula Germany. Kaya, sinubaybayan ko ang biyahe niya sa pamamagitan ng pagtingin sa internet. Nakikita ko kung nasaan na ang sinasakyan niyang eroplano. Dumaan ito sa bansang Austria at sa hilagang bahagi ng Italy. Tatawid din ito sa karagatan at ipinapaalam din ng internet na eksakto sa oras ang dating nila sa Barcelona.…
Muling Ibalik
Nang bumalik si Edward Klee sa Berlin, Germany pagkalipas ng maraming taon, malaki na ang pinagbago ng lungsod na kinalakihan niya. Maging siya raw mismo ay malaki na ang pinagbago. Sinabi ni Edward, “Kung babalik ka sa isang lugar na mahalaga sa iyo, maaaring hindi mo alam kung ano ang aasahan mo. Pero malamang malulungkot ka.” May mga pagbabagong nangyayari sa…
Hindi Masasayang
Payo ng kaibigan ko sa mga nagnanais maglaan ng kanilang pera sa negosyo, “Umasa na lalago ang negosyo pero ihanda ang sarili kung sakaling malugi naman ito.” Hindi natin matitiyak ang magiging bunga o resulta ng mga ginagawa nating desisyon sa buhay. Pero kung naglilingkod tayo sa Panginoon bilang mga nagtitiwala sa Kanya, hindi masasayang ang ating mga pinagpaguran kahit gaano…
Walang Maitatago
Noong 2015, ayon sa pananaliksik ng isang kumpanya ay mayroon daw 245 milyong cctv camera na nakalagay sa iba’t ibang lugar sa mundo at nadaragdagan pa ito taun-taon. Ang cctv camera ay isang instrumento para makita ang mga pangyayari sa isang lugar. Kung wala namang cctv sa paligid, malamang ay may tao namang may cellphone ang kukuha ng pangyayari. Maganda man…
Saktong Regalo
Masyadong abala ang marami sa Amerika tuwing pagkatapos ng pasko. Abala sila sa pagbabalik ng mga hindi nila nagustuhang iniregalo sa kanila sa tindahan kung saan binili ang natanggap nilang regalo. Iilan lang sa mga kakilala natin ang sakto ang regalo at tiyak na magugustuhan natin. Paano kaya nila nalalaman ang gusto talaga nating matanggap? Dapat kinikilala natin ang taong pagbibigyan…
Nagalak ang Lahat
Nagkaroon noon ng komperensya sa Singapore para sa pagpapalimbag ng mga libro at babasahin. 280 katao ang dumalo at mula iyon sa 50 bansa. Sa huling araw ng komperensya, nagpalitrato kaming lahat sa labas ng isang hotel. Ang kumukuha ng litrato ay nasa ikalawang palapag naman ng hotel. Kinunan niya kami ng iba’t ibang anggulo at nang sabihin niyang tapos na,…