Ang Aming Mga Manunulat

Tingnan lahat

Mga artikel na isinulat ni David C. McCasland

Iisang Pangalan

Sina Cleopatra, Galileo, Shakespeare, Elvis at Rizal ay mga sikat na pangalan. Naging tanyag sila sa kasaysayan dahil sa kanilang mga ginawa. Pero may isang pangalan na hihigit sa lahat ng mga ito.

Siya si Jesus na Anak ng Dios. Ayon sa sinabi ng isang anghel, ipinangalan nina Jose at Maria sa Anak ng Dios ang Jesus dahil “ililigtas Niya ang…

Natapos na Gawain

Sa pagtatapos ng taon, nakakalungkot isipin na hindi natin natapos ang ilang mga bagay na dapat tapusin. Para bang walang katapusan ang mga responsibilidad natin. Ang mga hindi naman natin natapos ay nadadagdag lang sa mga susunod pa nating gagawin. Gayon pa man, dapat tayong saglit na huminto para ipagdiwang ang katapatan ng Dios at ang mga gawaing natapos.

Napapagod tayo…

Gabing Tahimik

Bago pa man isinulat nina Joseph Mohr at Franz Gruber ang pamaskong awiting “Silent Night,” isinulat na ng manunulat na si Angelus Silesius ang tulang ito: “Sa tahimik na gabi, isinilang ang Anak ng Dios, At ibinalik sa dati ang nawala sa ayos. Naging tahimik ang kaluluwa, isisilang ang Dios at aayusin ang lahat.” Inilathala ni Silesius ang tulang itonoong…

Higit pa sa Bayani

Inabangan ng mga tagahanga ng Star Wars sa buong mundo ang serye nitong, “The Last Jedi.” Mula pa noong 1977, pinag-uusapan na kung bakit naging matagumpay ang bawat serye ng pelikulang Star Wars. Ayon sa mamamahayag na si Frank Pallotta, tinatangkilik ng marami ang Star Wars dahil tungkol ito sa pag-asa at kabutihan sa panahon na naghahanap ang mga tao nang…

Damayan ang Kapwa

May naimbentong kasuotan na kapag isinuot mo, pakiramdam mo’y naging matanda ka. Lalabo ang paningin mo, hihina ang pandinig at babagal ang pagkilos mo. Layunin ng kasuotang ito na tulungan ang mga nag-aalaga ng matatanda na mas maintindihan ang kanilang mga inaalagaan. May sinabi naman ang manunulat na si Geoffrey Fowler matapos niyang maranasang isuot ang kasuotang iyon. Sinabi niya,…

Mga Buto

Noong maliliit pa ang mga anak namin, gustong-gusto nilang saluhin ang mga butong nahuhulog mula sa puno ng aming kapitbahay. Mukhang umiikot na elesi ang mga butong iyon habang nahuhulog sa lupa. Pero hindi umiikot ang buto para lumipad kundi para mahulog sa lupa at tumubong muli.

Bago naman ipako sa krus si Jesus, sinabi Niya sa mga tagasunod Niya,…

Regalo ng Dios

Noong Oktubre 1915, habang nagaganap ang unang digmaang pandaigdig, dumating si Oswald Chambers sa isang kampo ng militar malapit sa Cairo, Egypt. Pumunta siya roon para maging pastor ng mga sundalo. Nagdaos siya ng pagtitipon na pinuntahan ng 400 sundalo. Kinalaunan, isa-isa niyang kinausap ang mga sundalo para palakasin ang kanilang loob. Binanggit niya sa kanila ang Lucas 11:13, “Kung kayong…

Magpakumbaba

Ang sabi ni Jane Yolen sa kanyang isinulat na sanaysay na Working Up to Anon, “Ang pinakamagagaling na manunulat ay iyong mga hindi ibinubunyag na sila ang sumulat ng isang akda. Para sa kanila, ang kuwento ang mahalaga at hindi ang sumulat nito.”

Ang kuwento naman na ipinapahayag ng mga sumasampalataya kay Jesus ay tungkol sa pag-aalay ng buhay ng Panginoong…

Tuklasin

Isa sa mga paborito kong karakter na nilikha ni Charles Schulz ay makikita sa kanyang libro tungkol sa mga kabataan sa simbahan. Ito ay ang kabataang lalaki na may hawak na Biblia habang kausap sa telepono ang kanyang kaibigan. Sinabi nito sa kaibigan, “Sa tingin ko’y nagawa ko na ang isa sa mga unang hakbang sa pagtuklas ng misteryo ng Lumang…

Mga Bato

Ang modernong lungsod ng Jerusalem ay naitayo gamit ang mga nadurog na bato mula sa mga naganap na digmaan noong unang panahon. Nang pumunta kami ng pamilya ko sa Jerusalem, naglakad kami sa Via Dolorosa. Pinaniniwalaan na doon dumaan si Jesus papunta sa lugar kung saan Siya ipapako. Napakainit nang dumaan kami roon kaya pumunta muna kami sa isang mas malamig…