Ang Aming Mga Manunulat

Tingnan lahat

Mga artikel na isinulat ni David H. Roper

Paggising

Naalala ko ang mga pagtitipon naming magkakaibigan noong mga maliliit pa ang mga anak namin. Habang nagkukuwentuhan kaming matatanda, nakakatulog naman ang mga bata dahil sa sobrang pagod sa paglalaro.

Kapag uwian na, binubuhat ko na ang aking mga anak pasakay ng kotse at saka ihihiga roon. Pagdating naman namin sa bahay, bubuhatin ko silang muli saka ihihiga na sa kama.…

Pinatawad

Nagtrabaho ako noon sa isang rantso habang bakasyon pa. Isang gabi, dahil sa pagod at gutom, naibunggo ko ang traktorang minamaneho ko. Natamaan ko ang isang maliit na tanke ng gasolina at saka tumapon ang laman nito.

Nakita ng may-ari ng rantso ang nangyari. Pagkababa ko sa traktora, humingi ako sa kanya ng paumanhin. Sinabi ko rin na hindi na ako…

Ama at Anak

Mabuting ama ang aking tatay, at sa tingin ko nama’y masunurin akong anak. Pero kahit ganoon, hindi ako naging malapit sa aking ama.

Tahimik lang ang aking ama. Tahimik lang din ako. At kahit may madalas kaming ginagawang magkasama, hindi kami masyadong nag-uusap. Hindi siya nagtatanong, at hindi rin naman ako nagkukuwento ng mga bagay tungkol sa akin tulad ng mga…

Mas Napabuti

Minsan, habang nag-uusap ang mga mangingisdang taga Scotland sa isang hotel, isa sa kanila ang nakatabig ng baso. Tumama ang baso sa puting dingding at namantsahan ito. Humingi ng tawad sa may-ari ang mangingisda at sinabi niyang magbabayad na lang siya. Sinabi naman ng isang lalaki na huwag siyang mag-alala. Tumayo ang lalaking ito at saka gumuhit sa namantsahang bahagi ng…

Walang Hanggang Kaligayahan

Madalas nating naririnig na magiging masaya tayo kapag gagawin natin kung ano ang gusto natin. Pero hindi iyon totoo. Ang paniniwalang iyon ay magiging dahilan lamang para malungkot tayo, matakot at mabigo.

Ayon sa manunulat na si W.H. Auden, maraming tao ang nakasalalay ang kasiyahan sa paggawa ng kung ano ang gusto nila. Para sa kanya, ang mga taong ito ay…

Makasalanan Tulad Natin

Ikinuwento sa akin ng kaibigan kong si Edith ang araw na nagdesisyon siyang magtiwala kay Jesus. Minsan, pumasok siya sa isang simbahan na malapit sa kanyang tinitirhan. Tila may kulang kasi sa kanyang buhay. Ang itinuturo ng pastor ay ang mababasa sa Lucas 15:1-2: “Maraming maniningil ng buwis at iba pang itinuturing na makasalanan ang pumunta kay Jesus upang makinig sa…

Anong Nais Mo?

Habang may transaksyon ako sa isang bangko, napansin kong nakasabit malapit sa bintana ang larawan ng magandang uri ng sasakyan na tinatawag na Shelby Cobra. Tinanong ko ang empleyado ng bangko kung sasakyan ba niya iyon. Sabi niya, “Hindi akin ang sasakyang iyon, pero iyon ang dahilan kung bakit ako nagtatrabahong mabuti. Darating ang araw at magkakaroon ako ng ganoong sasakyan.”…

Mga Mukha

Noong bata pa ang apo kong si Sarah ay ipinaliwanag niya sa akin kung anong mangyayari sa isang tao kapag namatay na ito. Sabi niya, magkakaroon daw ang tao ng isang bagong katawan pero hindi magbabago ang itsura ng kanyang mukha.

Ang pananaw na iyon ng aking apo ay opinyon ng isang bata. Pero may katotohanang nakapaloob sa sinabi niya. Ang…

Pangako

Noong bata pa lamang ang aking kaibigan, ipinangako niya sa kanyang kapatid na sa pamamagitan ng isang payong ay makakalipad siya. Sa pagtitiwala sa kanya ay tumalon nga ang kanyang kapatid sa bubong gamit ang payong sa pag-aakalang makakalipad siya. Nahulog ang kanyang kapatid nang tumalon ito sa bubong. Nagkaroon siya ng sugat at bukol.

Ang pangako ng aking kaibigan ay…