Ang Aming Mga Manunulat

Tingnan lahat

Mga artikel na isinulat ni David H. Roper

Tunay na Kaibigan

Sinabi ni Samuel Foss sa kanyang ginawang tula, “Hayaan mo akong mabuhay sa tabi ng daan at maging kaibigan ng sinuman.” Iyon din naman ang gusto ko, ang maging kaibigan ang lahat. Nais kong palakasin ang loob ng mga taong nanghihina. Ipakita ang aking pagmamalasakit sa mga taong nasasaktan at mga dumaranas ng mabibigat na problema. Alam ko naman na hindi…

Habang-buhay Mamahalin

Minsan, parang napakaimposible na matapos ang araw na hindi tayo nakakaranas ng pangmamaliit o pagbabalewala ng iba. May pagkakataon pa nga na ginagawa natin ito sa ating sarili.

Nakaranas din naman si Haring David ng mga pangaalispusta at pangmamaliit mula sa kanyang mga kaaway. Dahil doon, bumaba ang tingin niya sa kanyang pagkatao at pagpapahalaga sa sarili (AWIT 4:1-2). Kaya naman…

Kalye ng Taong Banal

Minsan, naglakad-lakad kami ng asawa ko sa isang kalye sa London. May nagkuwento sa amin na ang kalyeng iyon ay tinatawag na "Kalye ng Taong Banal." Nakatira raw kasi doon ang isang tao na namumuhay nang may kabanalan. Naalala ko tuloy ang isang pangyayari na binanggit sa Lumang Tipan ng Biblia.

Inutusan noon si Saul na isang Israelita na hanapin…

Kamatayan

May isinulat sa isang pahayagan ang manunulat na si Ariana Cha tungkol sa proyektong ginagawa ng ilang bilyonaryo. Ikinuwento ni Ariana ang pagsisikap ng mga bilyonaryo na mapahaba ang buhay ng tao hanggang sa hindi na dumanas ng kamatayan. Nais nilang talunin ang kamatayan. Handa rin silang gumastos ng bilyon para sa proyektong ito.

Ang totoo, huli na sila. May tumalo…

Saan Ka Man Naroroon

May nakita akong maliit at kulay ubeng bulaklak na nag-iisa sa damuhan. Sigurado akong wala pang nakakakita ng ganoong bulaklak at marahil hindi na iyon makikita pang muli. Naisip ko tuloy kung bakit doon pa iyon tumubo.

Kailanma’y hindi nasasayang ang ganda ng kalikasan. Araw-araw nitong ipinapakita ang kabutihan, kagandahan at ang katotohanan tungkol sa Dios na siyang lumikha nito. Araw-araw…

Kulog at Kidlat

Maraming taon na ang lumipas nang mamingwit kami ng kaibigan ko. Habang namimingwit ay bigla namang umulan. Sumilong kami sa mga puno. Nang sa palagay namin na hindi titigil ang ulan, nagpasya kami na umuwi na lang. Tumakbo kami papunta sa aming sasakyan. Pagbukas ko ng pintuan ng sasakyan, nakita ko na bigla na lang kinidlatan ang mga puno kung saan…