Ang Aming Mga Manunulat

Tingnan lahat

Mga artikel na isinulat ni Estera Pirosca Escobar

Aawit Ang Ating Ama

Mahilig kumanta si Dandy at ginagawa niya ito para palakasin ang loob ng ibang tao. Minsan, habang kumakain kami sa aming paboritong kainan, napansin niya na malungkot ang isang serbidora. Kinausap niya ito at pagkatapos ay nagsimula siyang kumanta ng isang masiglang awitin. Nagpasalamat sa kanya ang serbidora at nakangiting sinabi na lubos siyang napasaya nito.

Kung babasahin natin ang…

Tumulong Sa Nangangailangan

Hindi nakapagtataka na nakatanggap ng parangal na Nobel Peace Prize si Mother Teresa. Natanggap niya kasi ang parangal na iyon dahil sa mga tinulungan niya. Pinakain niya ang mga nagugutom, binihisan ang walang maisuot, inalagaan ang mga bulag, may ketong at mga taong isinasantabi ng lipunan.

Si Jesus naman ang perpektong halimbawa ng pagpapakita ng pagmamahal at pagmamalasakit sa mga…

Sa Halip na Maghiganti

Noong 1956, pinatay ng tribong Huaorani sina Jim Elliot at ang apat pang misyonaryo na kasama niya. Pero marami ang nagulat sa susunod na nangyari. Nanirahan kasi ang asawa ni Jim na si Elisabeth at ang pamilya ng mga misyonaryong namatay sa komunidad ng Huaorani. Pinag-aralan rin nina Elisabeth ang salita ng tribo upang maisalin ang Biblia para sa mga…

Umasa sa Dios

Napakahirap ng naging buhay ni Edward Payson (1783- 1827). Namatay ang kanyang nakababatang kapatid at lubos niya iyong ikinalungkot. Nagkaroon siya ng sakit sa pag-iisip at madalas siyang atakihin ng sobrang pananakit ng ulo. Hindi lang iyon, nahulog din si Edward sakay ng isang kabayo at naparalisa ang kanyang braso. Halos ikamatay rin niya ang sakit sa baga. Pero sa kabila…

Pakikipagkasundo

Ang isang pinto sa St. Patrick’s Cathedral sa Dublin ay may kaakibat na isang lumang kuwento. Noong 1492, nagkaroon ng pag-aaway ang pamilya FitzGerald at pamilya Butler. Nang tumindi ang kanilang hidwaan, nagtago ang pamilyang Butler sa nasabing simbahan. Nang pumunta sa simbahan ang pamilya FitzGerald para makipagkasundo, hindi sila pinagbuksan ng mga Butler dahil sa takot na baka patayin sila…