Maayos Na Pagtatrabaho
Tinanggal ng guwardiya ang tape na nakadikit sa pinto. Paulit-ulit itong dumidikit kaya hindi sumasara ang pintuan. Nang inspeksyunin niya ang pinto, muli na namang nakadikit ang tape na tinanggal na niya. Agad siyang tumawag sa pulis sa napansin niya. Dahil dito, naaresto ang limang magnanakaw.
Nagtatrabaho ang nasabing guwardiya sa gusali ng Watergate sa Washington D. C. Himpilan ito ng isang grupong…
Tunay Na Kagalakan
Dali-dali kaming lumabas nang marinig namin ang tunog mula sa labas. Ang iba pa nga ay hindi na nakapagsuot ng sapin sa paa. Unang araw iyon ng tag-init kaya sabik na sabik kaming makakain ng malamig na ice cream! May mga bagay tayong ginagawa dahil sa kasiyahang maidudulot nito sa atin at hindi dahil sa kailangan natin itong gawin.
Binigyang-diin…
Pagmamaliit Sa Sarili
Batang-bata pa ang naging kapitan ng isang propesyonal na koponan. Kaya naman, negatibo ang tingin sa kanya ng maraming tao. Lagi lang kasi siyang umaayon sa kanilang coach at sa mga kasama sa koponan. Tila hindi naunawaan ng kapitang ito ang laki ng responsibilidad na ibinigay sa kanya o kaya nama’y hindi siya naniniwala na kaya niya iyong gampanan.
Dahil…
Pangalagaan Ang Mundo
Tinanong ako minsan ng anak kong babae, “Tay, bakit kailangan n’yo pong magtrabaho?” Naitanong niya iyon dahil gusto niyang makipaglaro sa akin. Mas gusto ko rin sanang hindi muna pumasok at makipaglaro sa anak ko pero naalala ko ang napakarami kong dapat gawin.
Bakit nga ba tayo nagtatrabaho? Dahil lang ba ito sa pagnanais nating maipagkaloob ang mga pangangailangan natin…
Saan Patungo
Minsan, mas napahaba ang aming paglalakbay dahil hindi namin nakita ang tamang daan. Wala kaming signal noon at wala ring mapang masusundan. Ang tanging gumabay sa amin ay ang naaala namin sa mapang nakita naming nakapaskil sa unahan ng lugar na iyon.
Parang ganoon din sa ating buhay. Hindi sapat na alamin lang kung ano ang tama at mali, dapat…