ANG BITUIN NG PASKO
“Kapag nakita mo ang bitiuing iyon, makikita mo palagi ang iyong daan pauwi." Iyon ang mga salita ni Tatay nang nang tinuruan niya ako kung paano matagpuan North Star. Naglingkod si Tatay sa sandatahang lakas noong panahon ng giyera, at may mga sandaling nakadepende ang kanyang buhay sa kakayahang maglayag sa gabi. Kaya tiniyak niyang alam ko ang mga pangalan…

PAGTATANGI AT PAG-IBIG
Nag-aaral ako noon sa ibang bansa. Minsan, napansin kong tila malayo ang loob sa akin ng isang kaklase. Nang tanungin ko kung nasaktan ko siya sa anumang paraan, tumugon siya, ‘Hindi naman...At iyon nga ang problema ko. Napatay ang aking lolo sa digmaan, at dahil dito, matinding galit ang naramdaman ko sa mga tao mula sa bansa ninyo. Ngunit ngayon,…

WINASAK NA
“Lilipad na bukas ang mga munting ibon!” Masayang balita ng misis kong si Cari. May pamilya kasi ng ibong namamahay sa basket na nakasabit sa labas ng bahay namin. Araw-araw niya iyong tinitingnan at kinukuhanan ng litrato. Kinabukasan, maagang binisita ni Cari ang mga ibon. Pero nagulat siya dahil ahas ang nasa pugad! Gumapang ito sa pader at kinain ang…

HINDI INAASAHANG PARAAN
Halos idikit na ng Pastor ang hawak niyang pahina sa kanyang mukha. Malabo na kasi ang kanyang paningin. Gayon pa man, buong ingat niyang binasa ang bawat salita para sa mga nakikinig. Kahit ganoon ang sitwasyon, kumilos ang Banal na Espiritu sa pangangaral ni Jonathan Edwards upang palakasin ang loob ng libu-libong tao. At sa huli, nagpahayag ang mga ito…

“LAHAT AY LABAN SA AKIN!”
“Kaninang umaga lang, akala ko mayaman ako. Ngayon ni hindi ko alam kung mayroon ako kahit isang kusing." Iyan ang sabi ng dating presidente ng Amerika na si Ulysses S. Grant matapos simutin ng katuwang niya sa negosyo ang ipon niya. Ilang buwan lang matapos ito, nalaman niyang may kanser siya. Sa pag-aalala para sa kinabukasan ng pamilya niya, tinanggap…
