Ang Aming Mga Manunulat

Tingnan lahat

Mga artikel na isinulat ni James Banks

Matutong Magtiwala

Noong binata pa ako, sinasagot ko ang aking nanay kapag pinagsasabihan niya ako na magtiwala sa Dios. Sinasabi niya sa akin, “Magtiwala ka sa Dios. Hindi ka Niya papabayaan.” Ganito naman ang sagot ko sa kanya, “Hindi iyon ganoon kadali. Tinutulungan ng Dios ang mga taong marunong tulungan ang kanilang sarili.”

Pero ang sagot kong iyon sa aking nanay ay hindi…

Isang Panalangin

Noong bata pa ako, may itinuro sa aking panalangin ang aking mga magulang bago ako matulog sa gabi. Ganito ang panalanging itinuro nila: “Sa aking pagtulog nang mahimbing, ang Panginoon nawa ang mag-ingat sa akin.” Itinuro ko rin ito sa aking mga anak noong maliliit pa sila. Nagiging panatag ang loob ko bago matulog kapag idinadalangin ko iyon.

May ganitong panalangin…

Maglaan ng Panahon

Minsan, nagmamadali akong pumunta sa lugar kung saan ipinapadala ang mga sulat. Pagdating ko roon, nakakadismaya ang haba ng pila. Kahit marami pa akong dapat gawin, sinabi ko na lang sa aking sarili na maghintay.

Habang nasa pila ako, lumapit sa akin ang isang matanda. Sinabi niya sa akin na hindi gumagana ang nabili niyang copier na nakalagay lang sa tabi.…

Kanlungan sa Bagyo

Mayroon akong kaibigan dati na si Juan na mahilig obserbahan ang mga bagyong dumarating sa aming lugar. Sinusundan niya ang direksyong tinatahak ng mga bagyo gamit ang aparato para dito at sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa ibang taong sumusubaybay din sa pagkilos ng bagyo. Ginagawa niya ito para masabihan agad ang mga taong maaapektuhan ng bagyo.

May isang pagkakataon na mabilis…

Umasa sa Dios

May sakit na kanser ang nanay ni Laura. Isang araw ay ipinanalangin niya ito kasama ang kanyang kaibigan. Ang kaibigang ito ni Laura ay may malubhang karamdaman na cerebral palsy. Nanalangin ang kanyang kaibigan, “Panginoon, ginawa Mo lahat para sa akin. Nawa’y gawin Mo din ang lahat para sa nanay ni Laura.”

Namangha si Laura sa panalangin ng kanyang kaibigan. Ipinahayag…

Kababaang-Loob

Noong kabataan ni Benjamin Franklin, gumawa siya ng listahan ng labindalawang katangiang nais niyang matutunan. Ipinakita niya ito sa kanyang kaibigan. Sinabi ng kaibigan ni Franklin na kailangan niyang idagdag ang kababaang-loob sa listahan. Nagustuhan ni Franklin ang ideyang ito. Sinulat niya ang mga paraan kung paano niya magagawa ang bawat katangian. Para sa kababaang-loob, isinulat niya ang tungkol sa buhay…

Proseso ng Pagtanda

Binigyan ako ng asawa ko ng isang tuta na pinangalanan naming Max. Minsan, narinig ko na tila may napupunit na papel habang nag-aaral ako. Paglingon ko, nakita ko si Max. Katabi niya ang isang libro habang subo ang isang pahina sa kanyang bibig.

Dinala namin si Max sa beterinaryo at sinabi nito na ang aming tuta ay dumadaan sa proseso ng…

Tamang Salita

Balak kong sunduin ang asawa kong si Cari galing sa trabaho isang araw. Nasa pintuan na ako kaya ginamit ko ang voice prompt ng aking telepono para itanong sa kanya kung saan ko siya susunduin.

Sa kasamaang palad, naiba ang mensaheng naipadala ng voice prompt kaya naging katawa-tawa ang nakarating sa kanyang mensahe, “old gal” ang sinabi ko, pero “old cow” ang…

Nananabik

Minsan, bumisita sa amin ang aking anak at ang isang taong gulang kong apo. Noong kinailangan kong umalis, ilang beses na umiyak ang aking apo. Dahil hindi ko naman siya matiis, pinupuntahan ko muna siya. Sinabi tuloy sa akin ng aking anak, “Isama n’yo na lang po siya.” Isinama ko siya dahil nananabik ako na makasama siya at dahil mahal ko…

Alam Niya Lahat

Noong tatlong buwang taong gulang pa lamang ang kulay kayumanggi kong tuta ay dinala ko siya sa isang beterinaryo upang masuri at mabakunahan. Habang sinusuri ng doktor ang aming tuta ay napansin niya ang mga puting balahibo sa kaliwang kamay ng aming alaga. Ngumiti ang beterinaryo at sinabi sa aming tuta na, “Diyan ka siguro hinawakan ng Dios nang isawsaw ka…