Ang Aming Mga Manunulat

Tingnan lahat

Mga artikel na isinulat ni James Banks

Pagpapakumbaba

Minsan, habang papasok ng eroplano, nasa bandang hulihan ako ng pila. Nang nasa loob na ako, iilan na lang ang bakanteng upuan. Nakakuha naman ako ng puwesto sa bandang gitna. Pero, kinailangan kong ilagay ang bagahe ko sa dulo dahil iyon na lang ang bakante na mapaglalagyan. Ang problema nga lang, kailangan ko munang hintaying makadaan ang lahat bago ko…

Taguan

Kapag naglalaro ang mga bata ng taguan, akala nila na nakapagtago na sila kapag tinakpan ang kanilang mga mata. Dahil hindi na sila nakakakita, iniisip nila na hindi na rin sila makikita ng kalaro nila.

Sa tingin natin, patay malisya ang mga batang iyon. Pero minsan, nagagawa rin natin na parang nagtatakip tayo ng mata sa harap ng Dios. Kapag may…

Tamang Panahon

Minsan, matagal bago sagutin ng Dios ang mga panalangin natin at hindi ito madaling maunawaan.

Iyon ang nangyari kay Zacarias na isang lingkod ng Dios. Minsan, nagpakita sa kanya ang anghel na si Gabriel. Sinabi nito na pinakinggan ng Dios ang panalangin nilang mag-asawa. Magsisilang si Elizabeth ng isang sanggol na lalaki na papangalanan nilang Juan (LUCAS 1:13).

Marahil, ilan…

Mapagmasdan

Masayang-masaya ako sa tuwing pinagmamasdan ko ang Grand Canyon. Hindi ko maiwasang mamangha sa nilikhang iyon ng Dios.

Kahit na isang napakalaking butas lamang sa lupa ang Grand Canyon, ipinapaalala nito sa akin ang langit. Sobrang ganda kasi nito. Minsan, may batang nagtanong sa akin, “Nakakainip kaya sa langit? Nakakasawa kayang magpuri sa Dios doon?” Naisip ko, kung sa isang malaking…

Tagapamagitan

Magandang pakinggan ang panalangin ng mahal natin sa buhay para sa atin. Masaya ring malaman na dahil sa kabutihan ng Dios, makatitiyak tayo na naririnig Niya ang mga panalangin natin.

Kung minsan, hirap tayo sa pag-iisip ng mga tamang salita kapag nananalangin. Minsan naman, nahihiya tayo sa Dios dahil sa mga pagkukulang natin sa Kanya. Magkagayon man, hindi tayo dapat sumuko…

Magpakatatag

Nalulong sa pinagbabawal na gamot ang aming anak. Kung may magsasabi sa akin na gagamitin ng Dios ang pagsubok na pinagdaraanan ko para makatulong sa ibang pamilya, mahirap para sa akin ang maniwala. Hindi madaling tanggapin ang sinasabi ng iba kung tayo mismo ang nakakaranas ng pagsubok. Kahit na alam kong kumikilos ang Dios para gawing maganda ang mga pinagdaraanan nating…

Pinakamalaking Bahagi

Madalas naming pinagtatalunang magkakapatid noong mga bata pa kami, ang sukat ng tinapay na ibinibigay sa amin ng aming nanay. Minsan, narinig ng tatay ko ang aming pagtatalo. Kaya sinabi niya sa nanay ko, "Bigyan mo ako ng tinapay na sinlaki ng iyong pagmamahal." Tumahimik kaming lahat at ibinigay ng aking nanay ang pinakamalaking bahagi ng tinapay sa aming tatay.

Maaaring…

Dumulog

Minsan, naglalakad ang grupo namin sa tabing-ilog. Nagtanong ang kasama naming bata na si Allan kung may ahas ba roon. Sinabi ko sa kanya, “Wala pa kaming nakikitang ahas dito noon. Pero baka makakakita tayo ngayon kaya hilingin natin sa Dios na ingatan tayo.” Nanalangin kami at pagkatapos ay nagpatuloy na sa paglalakad.

Ilang minuto lang, biglang napaatras ang asawa ko.…

Kapayapaan at Pagtitiwala

Noong unang beses akong sumakay sa roller coaster na isang sasakyan sa perya, takot na takot ako. Kasama ko noon ang mga kapatid ko. Nang paliko na ang roller coaster at lalong bumilis ang takbo, pinapahinto ko na ito dahil gusto ko nang bumaba. Pero hindi ito huminto. Nilabanan ko na lang ang aking takot at humawak na lang ng mabuti…