Ang Aming Mga Manunulat

Tingnan lahat

Mga artikel na isinulat ni Jennifer Benson Schuldt

BULONG LANG

Kakaiba ang whispering wall sa Grand Central Station sa lungsod ng New York. Kapag tumayo ka sa paanan ng arko at bumulong sa pader, maglalakbay ang tunog pataas, papunta sa kabilang panig ng arko. Kahit bumulong ka lang, maririnig ka ng kausap mo sa layo na tatlumpung talampakan. Isa itong kanlungan sa gitna ng maingay at magulong lugar.

Tila bulong rin…

KAHANGA-HANGANG GAWA

Isang grupo ng mga mananaliksik ang nakaimbento ng kakaibang drone (isang uri ng makinang pinalilipad). Ginaya kasi ang mekanismo ng drone sa pakpak ng swift, isang uri ng ibon. Kilala ang ibong swift sa husay nitong lumipad. Kaya nitong liparin ang distansyang hanggang 145 kilometro kada oras. Kaya rin nitong lumigid nang matagal sa himpapawid, lumipad nang pabulusok, magbago ng direksyon nang ubod-bilis,…

PAGTANGGAP NG PAGTATAMA

Tinuruan ng kaibigan kong si Michelle ang anak ko kung paano mangabayo. Nang ipakita niya paano rendahan ang kabayo, ipinaliwanag din niya gaano kahalaga ang renda. Ginagamit daw ito para kontrolin ang bilis at direksyon ng kabayo. Doon ko nakita kung gaano kaimportante ang renda kahit maliit lang ito.

Gayundin naman ang dila. Bagama’t maliit ito, malaki ang impluwensiya ng…

DIOS NG LAHAT NG ARAW

Hindi matagumpay ang operasyon ni Joan kaya sasailalim ulit siya sa isa pa paglipas ng limang linggo. Sa pagdaan ng mga araw, lalong lumaki ang pangamba niya. May edad na kasi silang mag-asawa at nasa malayo ang pamilya nila. Kailangan nilang magmaneho papunta sa isang lungsod na bago sa kanila. Kailangan din nilang alamin ang masalimuot na sistema ng ospital…

OPERASYONG MAY PANALANGIN

Noong nangailangan ng operasyon sa buto ang anak ko, ipinagpasalamat ko ang doktor na nag-opera sa kanya. Malapit nang magretiro ang doktor na ito at libu-libong tao na ang natulungan niya na pareho ang kondisyon gaya ng sa anak ko. Kahit pa ganoon na ang karanasan niya, nanalangin pa rin siya at hiniling sa Dios na bigyan ng magandang resulta…