Ang Aming Mga Manunulat

Tingnan lahat

Mga artikel na isinulat ni Jennifer Benson Schuldt

Ang Pinakamagaling Na Guro

“Hindi ko maintindihan!” Sabay ang himutok ng anak ko sa pagbalibag niya ng lapis sa mesa. Ginagawa niya ang pagsasanay sa math. Ako naman kakasimula lang bilang guro sa “homeschool” (pag-aaral sa sariling tahanan kaysa sa paaralan). ’Di ko na matandaan paano isalin ang decimal (0.5) sa fraction (½). 35 taon na’ng nakalipas nang inaral ko ito. Paano ko ituturo ang bagay na…

Magbago

Sa siyudad ng Mysore sa bansang India, mayroong dalawang bagong gawang silid-aralan na yari sa bagon ng tren. Nakipagtulungan ang mga guro sa South Western Railway Company upang mabili at maisaayos ang mga sirang bagon. Isa lamang malaking kahon ng bakal at hindi maaaring magamit ang mga bagon. Kaya naman, naglagay ang mga manggagawa ng hagdan, electric fans, ilaw, mga…

Ang Dakilang Manggagamot

Minsan, natuklasan ng isang doktor ang lunas sa allergy sa pagkain ng aking kamag-anak, tuwang-tuwa ako at palagi ko itong ikinukuwento sa iba. Puring-puri ko ang doktor na iyon at ang proseso ng kanyang paggagamot. Pero may ilan akong kaibigan na nagsabi na, “Sa tingin namin, ang Dios ang dapat papurihan sa pagkakadiskubre ng gamot na iyon.” Natigilan ako. Hindi ko…

Piliing Maging Tapat

Sa nobelang Family Happiness na isinulat ni Leo Tolstoy, may dalawang tauhan doon na sina Sergey at Masha. Noong una silang magkakilala, isang mapaghangad na probinsyanang dalaga si Masha. Isa namang may edad na negosyante si Sergey at alam na alam na ang takbo ng mundo. Nang tumagal, napamahal sila sa isa’t isa. Kaya naman, nagpakasal sila at nanirahan sa isang…

Mas Makapangyarihan

Ano sa tingin mo ang hitsura ng dinosaur noong nabubuhay pa ang mga ito? Kagaya ba ito ng mga nakikita nating larawan sa ngayon na may malalaking ngipin, mahahabang buntot at makaliskis na balat?

Makikita sa Sam Noble Oklahoma Museum ang ipinintang larawan ni Karen Carr ng mga naglalakihang dinosaur. Ang isa sa larawang iginuhit niya ay halos 20 talampakan ang…