Alam Niya Ang Lahat Ng Ito
Dalawang taon sa amin si Finn, ang alaga naming isda. Madalas itong kausapin ng aming batang anak na babae, pagkatapos pakainin ang isda sa aquarium. Ipinagmamalaki rin niya si Finn sa klase kapag alagang hayop na ang pinag-uusapan. Kaya ganoon na lang ang dalamhati niya nang namatay ito.
Payo ng nanay ko, pakinggan ko daw nang mabuti ang damdamin ng…
Panahon Ng Kaligayahan
Minsan, gumising ako na umaasang makikita ko ang parehong mapanglaw na tanawin dahil sa panahon ng taglamig. Isang linggo ko na kasing nakikita ang paligid na nababalot ng snow. Pero tumambad sa akin ang magandang sinag ng araw at luntiang paligid. Napalitan ng nakakamanghang tanawin ang walang buhay at nakakalungkot na paligid.
May pagkakataon din naman na tinitingnan natin ang…
Gabay Natin
Matagal-tagal ko ring tinitigan ang mga lumang lampara sa isang museo. Isang karatula ang nagsasabi na mula sa Israel ang mga ito. Ang bawat lampara ay may nakaukit na disenyo at mayroon ding dalawang butas, isa para sa langis at isa para sa mitsa. Ginagamit ng mga Israelita ang mga lampara sa bahay nila. Isinasabit nila ito sa isang bahagi ng…
Mapanganib na Kemikal
Halos mabingi ako sa tunog ng sirena ng nagmamadaling sasakyan. Nakasulat sa gilid ng sasakyan ang mga salitang "Mapanganib na kemikal.” Hindi nagtagal, nalaman ko na nagmamadali pala ang sasakyan na iyon na makarating sa labaratoryo dahil tumagas ang 400 na galon ng sulfuric acid. Kailangan nila itong puntahan agad dahil kayang tunawin ng kemikal na iyon ang anumang bagay na…
Pag-isahin
Binigyan ako ng aking kaibigan ng halaman na inalagaan niya ng mahigit na apatnapung taon. Ang halaman na ito na kasing-tangkad ko ay nagbubunga ng malalaking dahon mula sa tatlong magkakahiwalay na tangkay. Paglipas ng ilang araw, bumaliko ang mga tangkay dahil sa bigat ng mga dahon. Naglagay ako ng mga pangsuporta upang maituwid ang mga tangkay.
Mga ilang araw matapos…