Pagbibigay Dahil Sa Pag-ibig
Tuwing umaga, pagbili ni Glen ng kape sa malapit na drive-through, binabayaran na rin niya ang para sa taong nasa kotseng kasunod niya at binibilinan ang kahera na batiin ito ng magandang araw para sa kanya. ‘Di sila kilala ni Glen. ‘Di niya alam ang reaksyon nila. Gusto lang niya makagawa ng kahit munting kabutihan sa iba.
Pero minsan, nabasa…
Nagkaroon Ng Liwanag
Sa mga pinakaunang araw ng anak namin, madalas kong sabihin sa kanya ang pangalan ng mga bagay. Ituturo ko ang bagay at sasabihin ko ang pangalan, o ipapahawak ko sa kanya ang isang bagay na ‘di pa pangkaraniwan sa kanya at sasabihin ko ang pangalan para madagdagan ang pang-unawa niya at mga alam na salita tungkol sa malawak na mundong…
Mahalaga
Ibinahagi ng aking kaibigan na palagi siyang tinatanong ng kasama niya sa simbahan kung saang partido ng pulitika siya umaanib. Ang layunin ng kanyang pagtatanong ay upang alamin kung may pagkakapareho ba sila ng paniniwala sa mga isyu ng lipunan. Sa kagustuhan niyang bigyang-pansin na lamang ang kanilang pagkakatulad, ito ang naging sagot ng aking kaibigan: “Dahil pareho tayong naniniwala…
Katulad Natin
Minsan, lumangoy si Derek kasama ang kanyang anak na lalaki. Napansin niya na nahihiyang tanggalin ng kanyang anak ang t-shirt nito dahil sa birthmark niya sa kanyang dibdib na umaabot hanggang braso niya. Para matulungan ni Derek ang kanyang anak, nagpa-tattoo si Derek sa kanyang katawan ng katulad sa birthmark ng kanyang anak. Tiniis ni Derek ang mahaba at masakit na proseso ng…
Permanenteng Tirahan
Kamakailan lamang ay lumipat kami ng bagong tirahan. Hindi ito kalayuan sa aming dating bahay. Pero kahit malapit lang ito, kailangan pa rin naming mag-arkila ng sasakyan para mahakot ang mga gamit namin. Ilang araw ding nanatili sa sasakyan ang mga gamit namin dahil sa napatagal na pagproseso sa pagbili namin ng bahay.
Pero kahit tila wala kaming permanenteng bahay…