
PAG-ASA
Isang masayahin at mabait na bata si Louise. Pero sa edad na lima, nagkaroon siya ng isang hindi pangkaraniwang karamdaman. Binawian siya ng buhay na nagdulot ng matinding kalungkutan sa mga magulang niyang sina Day Day at Peter. Nakiramay kami sa pamilya nila.
Kahit matindi ang lungkot sa puso ng mag-asawang Day Day at Peter, may pag-asa sa mga puso…

PINAGPALANG NAKAGAWIAN
Minsan, habang nakikita kong napupuno ng tao ang tren, dama ko ang lungkot na madalas maramdaman ng marami tuwing Lunes. Kita sa mga antok at tila aburidong mukha na hindi sila nasasabik pumasok sa trabaho. Marami ang nakasimangot habang lalo pang sumisiksik ang iba sa tren. Heto na naman tayo, isa na namang nakakainip na araw sa opisina.
Bigla kong naalalang…

MAGPATULOY
Habang tumatakbo ako sa kagubatan, sinubukan kong maghanap ng shortcut. Pumasok ako sa isang daang hindi ko kabisado. Nang may makasalubong akong tumatakbo mula sa kabilang direksyon, tinanong ko kung nasa tamang landas ako. “Oo,” sagot niya. Nakita niya ang duda sa aking mukha kaya agad niyang sinabi, “Huwag kang mag-alala, nasubukan ko na ang lahat ng maling daan! Pero…

HINDI KAILANMAN MALAYO
Bata pa lang si Raj nang magtiwala siya kay Jesus bilang Tagapagligtas. Ngunit makalipas ang ilang taon, unti- unti siyang nalayo sa Dios. Isang araw, nagpasya siyang ipanumbalik ang kanyang relasyon kay Jesus at bumalik sa simbahan. Ngunit pinagalitan siya ng isang babae dahil sa matagal niyang pagkawala. Nagdagdag iyon sa kanyang nararamdamang kahihiyan dahil sa mga taon ng pagkaligaw.…

ITO NA KAYA?
Naalis si Peter sa kanyang trabaho. Mag-isa pa naman niyang itinataguyod ang kanyang pamilya. Kaya taimtim siyang nanalangin na magkaroon muli ng trabaho. At nang may mag-alok sa kanya ng napakagandang trabaho, nasabi ng kanyang kaibigan ito: “Tiyak na ito na ang sagot ng Dios sa iyong mga panalangin.”
Gayunpaman, nag-alinlangan si Peter nang mabasa niya ang tungkol sa katiwalian…