Ang Aming Mga Manunulat

Tingnan lahat

Mga artikel na isinulat ni Linda Washington

Payo ng aking Ama

Mula nang matanggal ako sa aking trabaho ay patuloy akong nanalangin sa Dios na pagkalooban Niya ako ng bago. Sa kabila ng aking pagsisikap, nabigo pa rin ako sa paghahanap ng bagong trabaho. Nagsimula na akong magreklamo sa Dios. "Alam po ba Ninyo na mahalaga para sa akin ang magkatrabaho?” Iyan ang tanong ko sa Dios sa tila hindi Niya pagsagot…

Bagong Komunidad

Kinasasabikan ni Maija na anak ng aking kaibigan ang panahon ng kanyang paglalaro. Natutuwa siya na pagsamasamahin ang kanyang mga manika mula sa iba’t-ibang grupo ng laruan para maging isang bagong pamayanan.

Naalala ko sa pagiging malikhain ni Maija ang layunin ng Dios sa mga kapulungan ng mga sumasampalataya kay Jesus. Sinabi naman ni Lucas, “Nang panahon ding iyon, doon sa…

Dama ng Lahat

Nagkasakit ang isa kong katrabaho. Kaya naman, nag-aalala sa kanya ang lahat ng nasa opisina. Nang bumalik siya sa trabaho, ipinakita niya sa amin ang dahilan ng kanyang sakit. Mayroon siyang bato sa kidney. Habang nakatingin ako sa maliit na bato na hawak ng aking katrabaho, naalala ko ang aking gallstone.

Hindi maipaliwanag ang tindi ng sakit na dinanas ko noon.…

Lumapit tayo sa Dios

Ang humidifier ay isang gamit na naglilinis ng hanging pumapasok sa bahay. Habang bumibili ako nito ay napansin ko ang isang matandang babae na pabalikbalik na naglalakad sa mga estante. Naisip ko na baka parehas kami ng bibilhin kaya umurong ako para mas makapili siya. Nakausap ko ang matandang babae. Napagkuwentuhan namin ang tungkol sa flu virus na nagdulot ng kanyang…

Sinubok at Tumatag

Nang sabihin ng aking ina na may kanser siya, gusto kong ipakita sa kanya ang aking katatagan. Pero hindi ko mapigilang umiyak. Pagkatapos kasi ng ilang pagsusuri sa kanya, nalaman niyang malala ang kanyang kalagayan. Kaya naman, masakit marinig ang balitang iyon.

Kahit na ang aking ina ang may sakit, ako pa ang pinalakas niya ang loob. Humanga ako sa kanyang…

Nagagalit ba ang Dios?

Noong nasa kolehiyo ako, pinag-aralan namin ang tungkol sa buhay ng mga dios ng Griyego at Romano. Nagulat ako na pabagu-bago ng ugali at madaling magalit ang mga dios nila. Ang mga taong nakaranas ng galit nila ay namatay o kaya nama'y nagdusa.

Naiinis ako kung bakit naniniwala noon ang mga tao sa ganoong klaseng dios. Pero, napatanong ako sa aking…

Sa Tulong ng Dios

Habang tumatanda, napapansin kong lalong sumasakit ang mga kasukasuan ko lalo na tuwing tag-lamig. Hindi na katulad ng dati ang lakas ko. Tumatanda na talaga ako.

Kaya nga hinahangaan ko ang matandang si Caleb. Isa siya sa 12 espiyang ipinadala noon ni Moises para manmanan ang Canaan. Ito ang lupaing ipinangako ng Dios sa mga Israelita (BILANG 13-14). Pagkalipas ng…

Tunay na Pagsamba

Inimbitahan ako noon ng kaibigan ko sa pagtitipon nilang mga sumasampalataya kay Jesus. Sa pagkakataong iyon, pinaawit ang isang kantang gusto ko. Kinanta ko ito nang may buong kasiyahan.

Nang matapos na ang kanta, sinabi sa akin ng asawa ng kaibigan ko, “Ang lakas ng pagkakakanta mo.” Dahil doon, hininaan ko na ang boses ko sa susunod na kanta at…

Hindi Pinabayaan

Malungkot akong nagpaalam sa aking pamangkin. Mapapalayo kasi siya sa amin dahil sa ibang probinsya siya mag-aaral. Apat na taon din siya noong nawalay sa amin nang nasa kolehiyo pa siya. Madali namin siyang napupuntahan dati dahil nasa isang probinsya lang kami. Pero mas magiging malayo siya ngayon kaya hindi na magiging madalas ang aming pagkikita. Kailangan kong magtiwala sa Dios…

Pigilin ang Galit

Habang naghahapunan kami ng kaibigan ko, ikinuwento niya sa akin na naiinis siya sa isa niyang kapamilya. Hindi niya kasi masabi sa kanyang kapamilya ang mga bagay na kanyang ikinaiinis. Nang subukan namang kausapin ng kaibigan ko ang kanyang kapamilya, sinagot lang siya nito nang pabalang. Hindi raw napigilan ng kaibigan ko na magalit. Nagdulot tuloy ang pangyayaring iyon ng hidwaan…