Matibay Na Masasandalan
Nakatira ang aming pamilya sa isang bahay na malapit nang mag-isang daang taon ang tanda. Medyo marurupok na rin ang mga pader nito na gawa sa kahoy. Kaya naman, sinabihan ako ng mga nag-aayos ng aming bahay na pagkatapos kong ipako ang lagayan ng aming larawan ay dikitan ko pa ito para lalong tumibay. Kung hindi ko raw iyon gagawin…
Si Jesus Lamang
Sa isang palabas sa telebisyon na tinatawag na America’s Got Talent, masayang umawit ang isang bata. At dahil sa kanyang ipinakitang paraan ng pagtatanghal, pinuri siya ng isang hurado. Sinabi ng hurado “Parang nakikita ko sa’yo si Shirley Temple, masaya rin kasi siya kung magtanghal.” Sumagot naman ang bata, “Hindi po si Shirley Temple, kundi si Jesus.”
Mababasa naman sa…
Hindi Ka Nag-iisa
Ayon sa manunulat na si Maggie Fergusson, ang kalungkutang dulot ng pag-iisa ay mas nakakapangilabot kaysa sa pagkawala ng tirahan, pagkagutom o pagkakaroon ng sakit. Idinetalye niya sa isang magasin ang pagtaas ng bilang ng mga taong nakakaranas ng matinding kalungkutang dulot ng pag-iisa. Nararanasan din daw ito ng sinumang tao anuman ang katayuan niya sa buhay.
Hindi na bago…
Patuloy Na Umaagos
May isang kuwarto sa isang museo sa Washington D.C. na tinatawag na Contemplative Court. Naglalaman ito ng mga mahahalagang bagay na nakuha mula sa panahon ng pagkakaalipin ng mga Aprikanong Amerikano. Naririto rin ang isang kuwarto na may salaming pader na yari sa tanso. Mula sa kisame nito ay may umaagos na tubig patungo sa isang lugar kung saan naiipon…
Malapit Siya
Tinatawag na “Taps” ang kanta sa saliw ng pagpapatunog ng trumpeta ng mga sundalong Amerikano. Tinutugtog nila ito kapag natapos na ang isang buong araw at maging sa oras ng paglilibing. Namangha ako nang mabasa ko ang ilang linya sa kantang ito. Karamihan kasi sa bahagi ng kanta ay nagtatapos sa katagang “Malapit ang Dios sa atin.” Sinasabi rin sa kanta…