Ang Aming Mga Manunulat

Tingnan lahat

Mga artikel na isinulat ni Lisa M. Samra

Parada ng Tagumpay

Nanalo sa unang pagkakataon ang Chicago Cubs sa World Series noong 2016 matapos ang halos higit isang siglo. Tinatayang limang milyong mga tao ang nagtipon at nakiisa sa parada para ipagdiwang ang kanilang tagumpay.

Hindi na bago ang mga parada ng tagumpay. Isa sa kilalang parada ng tagumpay ay ang ginagawa ng mga Romano noon. Sa paradang iyon, naglalakad ang mga…

Paulit-ulit na Gawain

Napansin ko ang tattoo ng aking kaibigan sa kanyang binti na larawan ng laro ng bowling. Sinabi ng aking kaibigan na ipinalagay niya ang tattoo na ito nang marinig niya ang isang kanta. Sinasabi sa kanta na maging masaya tayong gawin ang mga paulit-ulit na gawain. Minsan kasi nakapanghihinayang at parang wala na itong kabuluhan tulad sa mga bowling pin na…

Reseta mula sa Biblia

May tinatawag na Joke Night ang pamilya ng magasawang sina Greg at Laurie. Habang kumakain, nagbabahagi ang bawat anak nila ng mga joke na nabasa, narinig o naisip nila sa buong nagdaang linggo. Napansin nina Greg at Laurie ang mabuting naidulot ng pagtawa sa kalusugan ng kanilang mga anak at nakapagbigay ito ng lakas ng loob sa mga panahong nakakaranas sila…

Nilinis

Nang minsang maglaba ako, napuno ng tinta ng ballpen ang mga puting tuwalyang nilalabhan ko. Kumalat ang asul na tinta sa mga tuwalya. Kahit ibabad ko pa ang mga ito sa anumang pampaputi, hindi na matatanggal ang mantsa sa mga tuwalya.

Itinapon ko ang mga tuwalya kahit labag sa kalooban ko. Habang itinatapon ko ang mga ito, naalala ko ang sinabi…

Manlilikha at Tagapangalaga

Ang Swiss na si Philippe ay gumagawa ng mga relo. Ipinaliwanag niya sa akin kung paano niya masusing hinihiwalay, nililinis at muling pinagsasama-sama ang maliliit na bahagi nito. Ipinakita niya rin sa akin ang pinakamahalagang bahagi ng isang relo, ito ay ang tinatawag na mainspring. Sinabi ni Philippe na kung wala ito, hindi gagana ang kahit na anong relo.

Tinatalakay naman…